Hindi niya alam kung gaano siya katagal nawalan ng malay dahil sa chloroform na nasa panyo na pina-amoy sa kanya ng mga tauhan ng Funtellion Mafia. Nagising na lamang siya na nakasakay sa isang kotse habang umaandar iyon.
Nasa backseat siya ng kotse at maliban sa driver, wala na siyang ibang kasama roon. Tiningnan niya ng masama ang driver kahit wala naman iyon kaalam-alam. At sa kanyang pagkadismaya, hindi man lang siya tinapunan ng kahit isang sulyap ng driver ng kotse. Diretso lamang ang tingin nito sa daan.
Umusod siya palapit sa bintana at sumulyap sa likuran ng kotse. She saw two cars following them. Bukod pa roon, may isa pang Cadillac ang nasa unahan nila. Guards, maybe.
“Where are you taking me? To hell?” tanong niya sa driver. Nakabusangot na humalukipkip siya at muling tinapunan ng tingin ang lalaki sa unahan. “Can you call your master and let me speak to him? I’ll tell him that I won’t go with him.”
But instead of following her, nanatiling nakatuon lamang ang tingin nito sa unahan habang nagmamaneho. It looks like all of the people in mafia, masters the art of calmness.
Sisitahin niya pa sanang itong muli nang tumigil ang kotse sa harapan nila gayundin ang sasakyan na kinalulunan niya.
She took a peak outside the car and her forehead creases when she saw a giant airplaine. Mas sumilip pa siya sa bintana, wala naman sila sa airport kaya bakit may malaking eroplano sa kinaroroonan niya?
Napa-atras siya palayo sa may bintana nang narinig niya ang pag-click kasunod ng pagbukas ng pinto. Tiningala niya ang taong nagbukas niyon and she met the most beautiful eyes she ever seen. A pair of familiar emerald green eyes.
Niyuko siya nito at hinawakan ang kanyang palapulsuhan. Agad siyang humawak sa upuan nang hilahin siya ni Zeon palabas ng backseat ng kotse.
“No! I’m not going anywhere with you,” matigas ang ulong wika niya at iniyakapa ang isang kamay sa sandalan ng upuan. “Bitawan mo ako.”
“Don’t be hard-headed, Mira. Masyado ka ng nagiging pasaway. Akala mo ba hindi ko alam kung ano ang inaasal mo sa mansion,” galit na wika nito sa kanya.
Pilit na inaagaw niya ang braso dito at mas lalo pang nangunyapit sa sandalan ng upuan.
“Wala kang paki-alam sa ugali ko.”
“Damn it. Stop struggling and don’t test my patience.”
“You choose to cage me, deal with my attitude,” sigaw niya dito at umigkas ang isang paa pasipa sa binti ni Zeon.
Alam niyang malakas ang ibinigay niyang sipa sa lalaki ngunit bakit hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan?
“You really want to play a game, huh?!” his voice’s now near out of patient. Nawawalan ng pasensyang inulusot nito ang ulo sa loob ng kotse at malakas na tinanggal ang pagkakapit niya sa upuan. Nang matanggal nito iyon, ay malakas siya nitong hinila palabas ng kotse.
Halos masubsob pa siya sa semento dahil sa klase ng pagkakahila nito sa kanya. Mabuti na lamang at nagawa niyang ibalanse ang katawan dahil kung hindi ay paniguradonng plakda ang kanyang mukha sa semento.
Galit na binalingan niya si Zeon ng tingin at hinawakan ang kamay nito. Nagulat pa ito sa ginawa niyang iyon. Ngunit agad din iyon napalitan nang mariin niyang kinagat ang kamay nito.
“F*cking sh*t!” bulalas nito at hinihila siya mula sa pagkakagat niya. “Get off! Are you a dog?”
Dahil sa sinabi nito mas diniinan pa niya pa ang pagkakagat dito at kumapit pa siya sa baywang nito para hindi siya nito maalis. Wala siyang paki-alam kung magkasugat man ito sa pangangagat niya. Mas mabuti nga iyon. Hahalakhak pa siya.
“Mira!” Patuloy nitong inaalis ang bibig niya sa balat nito. Humakbang ito paatras nang mas kumuyapit siya sa baywang nito upang hindi sila tuluyang matumba. Ilang sandali pa sila roon nagpapaikot-ikot, habang nakatingin lamang sa kanila ang mga tauhan nito na parang mga tuod na nakatayo, bago nito naalis ang bibig niya sa pagkakagat dito.
Inis na hinampas niya ito sa dibdib nang hinawakan siya nito sa balikat. “Uuwi na ako. Hindi ako sasama sa ‘yo. Who knows kung saan mo ako dadalhin. I’ll stay in that mansion, hindi ako tatakas.”
“Nope, you are coming with me!” He holds her wrist again and pulled her.
“No!” Sinubukan niyang ipreno ang mga paa para tumigil ito but end up getting dragged by him. “Aray!” daing niya nang mapaluhod siya sa semento. She was wearing a t-shirt and cotton short that made her skin made a contact against the rough cement. Naramdaman niya ang kirot roon kaya alam niyang nagkasugat siya.
Agad na tumigil si Zeon at ibinalik ang tingin sa kanya. “Get up, Mirethea,” mahinahon nitong wika subalit naroroon pa rin ang tono na malapit na talaga itong mawalan ng pasensya sa kanya.
“I don’t want to go with you. Just leave me alone,” she whined. Nanatili pa rin siyang nakaluhod sa semento kahit halos mapangiwi na siya dahil sa kirot sa kanyang tuhod.
Tuluyan na yatang naubos ang pasensya sa kanya ni Zeon dahil umuklo ito at hinawakan siya sa baywang. In just a nano-second, he was able to lift her off the ground and carry her with her stomach on his shoulder and her head against his back.
Hindi siya nakapagsalita dahil sa gulat. How dare this man carry her like a sack of rice? Wala itong modo! Nakakahiya siya ngayon!
Nang magsimula nang maglakad si Zeon, doon niya pa lamang nahanap ang kanyang boses. “Funtellion, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”
“What do you think?” sagot nito at naramdaman niya ang paghigpit ng kapit nito sa kanyang mga binti. “I’m saving you from my punishment for now, Hard-headed girl.” And to her horror, he even slapped on of her butt cheek that made her cheeks flared up red.
“Moron!” she screamed as she gained herself from shock. “Ibaba mo ako.” And she punched his muscled back multiple times.
Subalit, iling lang ang nakuha niyang sagot mula dito at mas binilisan pa ang paglalakad patungo sa dambuhalng eroplano.
The nerve of this guy!
Malalaki ang hakbang na inakyat nito ang hagdan patungo sa nakabukas na pinto ng malaking eroplano.
Minumura niya na ito subalit tila wala iyong epekto dito. Kunsabagay, halos umulan na nga rin ng mura kapag ito ang nagsasalita.
Walang pag-iingat na ibinagsak siya ni Zeon sa isa sa mga upuan sa loob ng sasakyang-panghimpapawid.
“Ouch!” she groaned when she felt that her back bounce against the seat. Arte niya lang naman iyon. Hindi naman talaga siya nasaktan dahil malambot ang upuan. Ngunit, ang kirot sa kanyang tuhod ay hindi niya magawang dramahan dahil totoong may sugat nga siya roon.
“Your acting sucks, Mira. Don’t give me that s**t,” wika nito na ikinawala ng naiiyak niyang ekspresyon.
Binigyan niya ito ng matalim na tingin bago malakas na itinulak sa dibdib upang tangkaing tumakas. But Zeon was faster enough to catch her waist and dropped her back to where she seated.
“Gusto mo bang itali pa kita diyan sa kinauupuan mo para pumirmi ka lang?” mahinahon nitong tanong subalit nagbabanta ng panganib. “I am very willing to do so. Or better yet, itatali kita patiwarik bayad sa pagpapahirap mo sa mga tao sa mansion. How brat can you be?”
Bakit ba palagi na lang siya nitong pinagbabantaan? Sa mga normal na sitwasyon, matatakot na siya sa mga banta nito. But she knows he can’t kill her, at least not yet. Alam niyang may dahilan kung bakit gusto nitong magpakasal siya dito at bigyan niya ito ng anak. He maybe needs her for something that he can benefit a lot. At habang kailangan pa siya nito, lulubos-lubusin niya na ang pamemeste sa buhay nito.
“Ah, so you turn to caring boss now, huh?!” she said mockingly as she crossed her arms on her chest. “Humor me.”
Umiling ito at inilagay ang mga kamay sa magkabilanag gilid niya, cornering her on her seat.
“I’m going to make sure that I will punish that silly mouth of yours,” madilim na sabi nito at binigyan ng sulyap ang kanyang bibig.
Wala sa loob na naitago niya ang kanyang bibig at itinulak ito paalis sa harap niya. This time, hindi na siya tumayo para tumakas. Bagkus, nakahalukipkip na iniwas niya na lang ang tingin dito.
“Saan mo ba ako dadalhin?” kalmado na niyang tanong dito.
Sa gilid ng kanyang mga mata, Nakita niyang umayos ito ng tayo at umupo sa tabi niya. Maliban sa kanilang dalawa, may ilan pang tauhan ang nasa loob ng private jet na iyon. It was a luxurious private jet. Nagsusumigaw ng karangyaan ang mga gamit at interior design ng eroplano.
Sumandig sa kinauupuan nito si Zeon bago siya sinagot. “You better not to throw tuntrums again. Save your energy, we are getting married.” He smirked as he looks straight into her eyes and said. “And honeymoon will come next.”
Literal na natuod siya sa kanyang kinauupuan at namutla dahil sa sinabi nito.
“No way. I’m a virgin!” bulalas niya sa mukha nito nang makabawi siya sa pagkabigla. Nagsilingunan din ang mga kasama nila sa loob.
As a response, Zeon Funtellion chuckled. The chuckle of him that she saw for the first time since she saw him and abducted by him.
It was a familiar chuckle at hindi niya alam kung bakit muling gumuhit ang emosyon na naramdaman niya nang maamoy niya ang shower gel nito sa banyo.
Gayunpaman, ay ipinagwalang-bahala niya iyon at pinanatili ang inis sa mukha.
“I am not kidding. Hindi ako makikipag-s*x sa ‘yo.”
Umiling lamang si Zeon at isinandal ang ulo sa sandalan ng upuan. “Let’s see, Mira. Let’s see,” wika nito habang nakapaskil ang multong ngiti sa mga labi.