Arabela’s POV Dalawang araw akong absent sa skuwela at hindi na ako puwedeng lumiban pa sa pangatlong beses. Nakahilata lamang ako sa dalawang araw dahil iyon sa kagustuhan ni Clayton at wala raw akong po-problemahin sa mga subjects ko. Bagamat hindi ko lubos na kilala si Clayton ay masasabi ko naman na mabait siya kahit na siga. Napag-alaman ko rin sa kasambahay niya na parehas na nasa abroad ang parents niya at ang iba pa niyang kapatid at doon na naninirahan ang pamilya niya. Tanging siya na lamang ang nagpa-iwan sa Pilipinas dahil marami rin naiwan na negosyo ang pamilya niya rito at si Clayton ang nag-mamanage ng mga iyon. Ngayon ay malinaw na sa’kin kung bakit bulakbol siya at talagang humanga ako sa kaniya dahil sa edad niya na bente uno ay marami na siyang alam sa pagpapatakbo ng