Arabela's POV Panay ang buntong hininga ko habang tinatanaw ang papalayong eroplano kung saan ay nakasakay si Clayton patungong Paris. Umiyak pa siya kanina sa balikat ko dahil natatakot daw siya kung may babalikan pa siya after a month. Pinangako ko sa kaniya na matutupad ang aming kasal at hindi ko na babalikan pa si Matthew. Gusto ko lamang na makapaghigante sa kaniya para patas kami. Siguro nga ego ang dahilan kung bakit pumayag ako sa gusto niyang mangyari. Nang hindi ko na matanaw sa kalawakan ang eroplano ay umalis na rin ako at inayos ang resignation letter ko at napirmahan na ito ni Clayton kaya ipinasa ko na sa HR. Pagkatapos ay nagtungo ako sa starbucks at pagbaba ko pa lang sa kotse ay naroon na si Matthew at kaagad siyang ngumiti sa akin nang makita ako. Blanko lamang ako n