Arabela's POV Nag-iba ang ihip ng hangin sa aming dalawa ni Matthew. Hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag sa gusto niya. Gayunpaman ay okay na rin 'yon para matapos na itong letseng kontrata namin. "Baby, halika ka may batis doon sa kabilang baryo maligo tayo," yaya niya sa akin at kahit ayaw ko ay wala akong nagawa at sumang-ayon na lamang sa kaniya. Mabilis naman ang isang linggo pasasaan ba't matatapos rin itong pagpapanggap namin bilang mag-asawa. "Sige, tapusin ko lang ito baby," plastik akong ngumiti sa kaniya pabalik ngunit makulit siya at kaagad niyang hinawakan ang aking kamay palabas ng bahay. Sa kagustuhan ni Matthew ay nakarating nga kami sa batis na sinasabi niya at naligo kami doon. Hindi ko na namamalayan na napapatawa na niya ako habang yakap ako sa likod at kinikil