When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Lanie's Pov: Matapos sabihin ni Rev ang mga iyon ay mas tinamisan ko ang pagkakangiti at buong pusong nakinig sa mga papuri ni Gyra sa lolo n'ya. Pakiramdam ko nga ay mawawasak na ang mukha ko sa kakangiti kahit pa gustong-gusto kong masuka sa mga sinasabi n'ya. "Hindi ko alam kung wala talaga s'yang alam sa ginagawa ng lolo n'ya o magaling lang talaga s'yang magpanggap na inosente." Huminga pa nang malalim si Rev matapos sabihin iyon. "Teka Lanie, nakikinig ka ba?" Bahagya pang iwinagayway ni Gyra ang kamay n'ya sa harap ko. Natatawang hinawakan ko ang kamay n'ya at ibinaba iyon. "Oo naman. Natutuwa lang talaga akong makita ka dito. Hindi ko inaasahan na sa lahat ng lugar ay dito kita makikita." "Oo nga. Kahit ako ay hindi makapaniwalang may nakita ako ditong kaibigan mula sa Alpa