BUNNY PAGMULAT niya ng mga mata, bumalikwas siya agad ng bangon sabay daing at hawak sa ulo. Argh! Sobrang sakit ng ulo niya parang pinipiga. Nasa gano'n sitwasyon siya nang bumukas ang pinto ng kwarto. Si Asher, na may dalang tray ng pagkain. "Hey, sleepy buns! At last, gising ka na." Nakangising bungad ni Ash. "Breakfast na ba?" nanghihinang tanong niya kasabay ang paghiga uli upang maibsan ang pagkahilo niya dahil sa sakit ng ulo. Pagak na natawa si Asher. "Duh? Breakfast! It's dinner time. Sobrang haba ng tulog mo, muntikan ka na kainin ng kama, alam mo ba?" Nanlaki ang mga mata niya sabay balikwas ng bangon at napatitig sa asawa. Pinakita naman ni Asher ang oras sa cellphone niya. s**t! totoo nga. It's nine in the evening na! Napahilamos siya ng mukha. Grabe ang hang over niya