Tristan or Simon?

1688 Words
"Nahihibang ka na talaga, Mary Joy." Pasinghal n sambit ni Donita Rose sa kanya. "Alam mo bang kakalat sa social media ang ginawa mo?" Napabuntong-hininga na lamang siya at hindi kumibo. Ibinaling niya ang atensyon sa salamin saka masusing pinagmasdan ang sariling repleksyon. Hindi nga ba siya nakilala ng hinayupak na Tristan na 'yon kanina? Gano'n na ba kalaki ang pinagbago niya? O sadyang kinalimutan lang talaga nito ang mukha ng taong inapi-api niya noon? "Ugh." inis na ungol niya at hinampas ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. "Oh? Ano na namang problema? Magwawala ka na naman?" sarkastikong tanong ni Donita na nakaupo sa tabi niya. "That jerk. Ni hindi man lang ako nakilala. The nerve!" nanggagalaiting bulalas niya. "Ay, affected much friend?" mapang-asar na puna ng kaibigan niya at humalakhak. "Hindi ba dapat natutuwa ka. Kapalaran na ang gumanti, girl. Move on na." Alam niyang may punto ang kaibigan. Nakita na niya ang kinasadlakan nito pero bakit hindi siya makahanap ng kapayapaan sa isipan niya? She wants revenge. She wants to bring him down with her bare hands. "Please, tigilan mo na ang pagiging avenger friend. Hindi healthy 'yan!" "Hindi ko alam, Don. Basta ang alam ko, hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nagagantihan si Tristan." matigas na tugon niya. "Bahala ka. Ikaw rin. Baka kung sa'n matuloy 'yan, maging the Hulk ka pa." Hindi na siya sumagot pa at nagkibit-balikat na lang sa kalokohang sinabi ni Donita. - "Napakalma mo ba?" bungad ni Josefina nang lumabas si Donita mula sa loob ng dressing room kung nasaan si Mary Joy. Napa-iling ito. "Hibang na ang lola mo. Mala-marimar ang peg, sweet revenge ang nais." may halong inis na tugon ni Donita. "Sino ba kasi 'yung Simon Darius na 'yon?" nagtatakang bulong ni Josefina. "Si Root beer. At hindi siya si Simon Darius, Tristan Dimitri totoong pangalan no'n." Pagtatama ni Donita sa kausap. "Ha? Root beer?" "Yung bully - " "Eh kung umalis na kaya tayo dito kaysa magdaldalan kayong dalawa d'yan?" singit ni Mary Joy sa masinsinang usapan ng dalawa habang nakasandal sa pinto. "Ay, anak ng root beer kang Tristan Dimitri --- Kanina ka pa d'yan?" gulat na gulat na wika ni Josefina at napayapos sa dibdib. Napataas na lamang siya ng kilay dahil kanina pa rin naman niya naririnig ang tsismisan ng dalawa mula sa loob ng dressing room. "Kunin niyo na yung mga gamit sa loob. Let's get out of this stupid place." May awtoridad na utos niya at nagmartsa palayo. Hanggang ngayon hindi pa rin kumakalma ang dugo ni Mary Joy sa mga nangyari. Isa malaking pahiwatig pala ang panaginip at pagkakasakit niya kanina na magkikita muli sila ng lalaking 'yon. Hindi na siya nagtataka king bakit sumama lalo ang pakiramdam niya. She won't be surprised if she's allergic of his presence. Pati pala katawan niya, diring-diri dito! She sighed. Pinakalma niya muli ang sarili at pilit na ibinalik ang normal niyang postura. Hindi siya pwedeng ipakita sa iba na apektado siya sa nangyari kanina. Tama si Donita, kakalat nga sa media ang ginawa niya. How stupid of her! Dahil lang sa Tristan na 'yon, nakalimutan niya na ang pinangangalagaan niyang image. "But why is he using a different name? Sino si Simon Darius?" Nagtatakang bulong niya sa kanyang isipan. She knows she should keep her nose out of this but she can't help herself. Tutal humantong na din sa ganito ang tagpong matagal na niyang hinahangad, bakit hindi pa niya samantalahin ang pagkakataon? She can make his life a living hell like how he did back to her then. Isang pilyang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Mary Joy, binunot niya ang kanyang cellphone mula sa bag at nagsimulang mag-dial. "Hello. Cancel all my appointments today. I'll be staying here for a while." - Napabuntong hininga si Tristan habang inis na tinatanggal ang naglalakihang hikaw na suot-suot niya. "f**k this shit." Malakas na bulalas niya at ibinato ang hikaw sa harap ng salamin nang magtagumpay siyang alisin ito sa kanyang kaliwang tenga. Lalo pang nasidlan ang kanyang pagkainis nang mapagmasdan niya ang kanyang mukha sa salamin na puno ng makapal na foundation at kung anu-ano pang kolerete. He slammed his hands on the make-up table causing everything to scatter on the floor. "Goddamn you, Simon!" Tahasang pagmumura niya at bumaling sa gilid ng dressing room. Mula sa direksyong iyon maririnig ang isang pilyong hagikgik. It was Simon Darius. Ang kambal ni Tristan, ang nagiisang tao sa buong mundo na sinusumpa niyang gagantihan niya sa oras na magkaroon siya ng pagkakataon. "Come on, bro. Nag-enjoy ka din naman di ba?" Mapangasar na sambit nito. "Besides, you get to see your first love again - " Bago pa makapagpatuloy sa pambubuyo ang kapatid niya'y ibinato niya dito ang unan na nasa sofa na katabi niya ngunit mabilis naman itong nasalag ni Simon. "Will you shut your f*****g mouth?" Ayaw man niyang aminin, labis niyang ikinagulat nang makita niya sa judges' panel si Mary Joy. She was right there, staring at him. And if glares could kill - he'll be dead by now. Alam niya kung gaano kalaki ang galit nito kaya't hindi na siya nagulat nang marinig niya ang tanong nito sa kanya. On the back of his mind at that moment, he wished she knew. If only she knew what happened, he wouldn't have to see the wrath on the eyes of the girl he admired so much. "Think about it, this is not bad for an exchange right?" Wika ni Simon na naka-de kwatro pang nakaupo kabilang sofa. "You saved me from my bet, and I saved you from mom's wrath. Fair deal." "Fair deal, my ass." Inis na bulong ni Tristan habang abala na binubura ang make-up sa mukha. "Siguraduhin mo lang na sisiputin mo yung blind date na sinet ni mama." That's right. Ang tanging dahilan lang naman kung bakit sumugal siyang ipahiya ang sarili niya sa pageant na 'to ay dahil ayaw niyang pumunta sa blind date na inayos ng mama nila. It just so happened that Simon lost a bet to his peers and needs to do a dare - which is joining a gay beauty pageant to be exact. "Huwag kang magalala bro. I'll gladly ruin it for you." Mayabang na tugon ng kapatid niya. "Pero ba't nga ba ayaw mo pumunta? I saw the picture. She's pretty." "I'm not interested." Tipid na sagot ni Tristan. Mula sa salamin nakita niya ang pagtayo ng kapatid mula sa sofa. Malayo sa mapangasar na mukha nito kanina, seryoso siya nitong tinignan. "So, how was it?" "What?" "How's seeing her again?" Walang bahid ng panunuya ang tono nito. "I don't know." Nagpatuloy siya sa pagpunas ng bulak sa mukha niya. "Ba't di mo siya kausapin? I can tell her -" "Don't." May awtoridad na saad ni Tristan. Their conversation ends there. Tahimik na lumabas si Simon sa dressing room at naiwan siyang nakatulala sa sarili niyang repleksyon. Just when he thought he was over everything, she appeared in front of him again out of nowhere. Tila ba pinapaalala sa kanya na hindi pa nakakalas ang buhol sa pagitan nila nilang dalawa. - Lahat ng mga mata ay napako kay Mary Joy habang buong tapang siyang naglalakad papunta sa backstage ng ginanapan ng pageant kanina. Sariwa pa kasi ang mga kaganapan, lalo pa't halos magwala siya sa judges' panel na ikinagulat ng marami. But she wouldn't care less, she'll deal with all those media play tomorrow. Sa ngayon ang tanging gusto niya lang ay ipamukha kay Tristan Dimitri Go na hinding-hindi siya malilinlang ng pagpapanggap nito. "Where is he?" Tahasang tanong niya nang makarating sa kinatatayuan ng event organizer. "Ms. Mary Joy!" Gulat na bulalas ng event coordinator na namutla sa presensya niya. "Sino pong hinahanap niyo?" "Tristan - No. I mean, Simon Darius?" Hindi pa nakakasagot ang event coordinator sa tanong niya'y may nahagip na ang malikot niyang paningin. May pamilyar na mukha siyang nakitang dumaan papalabas sa kabilang dulo ng backstage. Nagsasalita pa ang kausap niya pero hindi na niya ito inintindi pa. Like a spell casted, her legs moved to follow that person. Lumabas din siya sa pintong binuksan ng taong 'yon, papunta pala ito sa parking area. "Ang ganda mo kanina pre!" Malakas na tawa ng lalaking sinundan niya. Bahagyang napaatras si Mary Joy at nagtago sa posteng malapit sa kinatatayuan niya. Nang ibinaling niya ang tingin sa kausap nito, nakita niya ang inis na pagmumukha ni Tristan. Hindi tulad kanina na naka-wig ito at makapal na make-up, ngayon litaw na litaw ang kakisigan nito sa suot na plain white v-neck shirt at ripped jeans. Muntik na ngang masamapal ng dalaga ang sarili niya dahil napako ang paningin niya sa lalaking 'yon. "Manahimik ka, Geoff. This is all because of your stupid bet with Simon." Galit na sagot ni Tristan sa kausap. "Bakit naman? Hindi ka naman pinapangit ni Krystal eh, ang galing nga ng pagkaka-make up sa'yo eh." Tumatawa-tawang sambit ng lalaking tinawag ni Tristan na Geoff saka bumaling sa bukas na bintana ng van kung nasaan ang isang babaeng nagtapon ng masamang tingin sa dalawa. "Right, Krystal?" "Huwag niyo 'kong madamay-damay ulit sa kalokohan niyo ha." Masungit na tugon nito. "At huwag niyong kalimutan ang TF ko." "Ask Simon about that." Wika ni Tristan bago pumasok at pabagsak na sinarado ang pinto ng van. "Who the f**k is that Simon Darius?" Napalakas na bulalas niya matapos marinig ang usapan sa pagitan ng lalaking sinundan niya at ni Tristan. And that Geoff seems familiar too. "Are you talking about me?" Napagitla si Mary Joy sa gitna ng pagiisip nang makarinig siya ng boses mula sa kanyang likuran. Dahan-dahan siyang lumingon at tumambad sa kanyang harapan ang isang lalaki. She can't believe what she's seeing right now. Her jaw dropped open. Pakiramdam niya'y may hidden camera at napa-prank siya ngayon. Panong nangyaring kamukhang-kamukha ng lalaking nasa harap niya ngayon si Tristan na nakita niyang pumasok sa van kanina? "Long time no see, Mary Joy."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD