"Iniisip mo na ikaw ang rason kung bakit gusto kong umalis?" malamig at matabang ko na tanong kay Ginger na nakatayo sa aking tabi. "Well you are completely wrong!" "Then why?" mahinang bulong na tanong nito na hindi parin inaaalis ang kanyang atensyon sa madilim na kalangitan. Baka may nakikita sya na hindi ko nakikita, o mas kaaya aya lang talaga ang kalawakan kaysa sakin. "I have my reasons," sagot ko at palihim na sinulyapan ang kanyang napakagandang mukha. Nang magsabog ng biyaya ang diyos ay si Ginger ang nasa unahan dahil sya ang babaeng pinagpala sa lahat. Hay. Kailan ko kaya muling mahahaplos ang kanyang makinis na pisngi at mahagkan ang malambot nyang labi. Pero kapag naiisip ko ang pang iiwan ng ginawa nya sakin ay hindi ko maiwasang magdamdam at magalit. Oo, nandon na ako