Sabi nga nila, kahit saan ka pa makarating ay babalik at babalik ka parin sa pinagmulan mo. At ngayong nakabalik na ako sa Probinsya namin hindi ko mapigilang makaramdam ng saya at kaba. Masaya dahil ang trabaho ko pa mismo ang gumawa ng paraan para makauwi ako kina Nanay at kaba dahil sa mga naiwang alaala. Bumaba ako ng sasakyan at inalis ang suot kong salamin para pagmasdan ang aming bahay. Kung dati ay maliit lamang ito at gawa sa kahoy ngayon ay gawa na ito sa bato, may gate at dalawang palapag na. "Reese?" sambit ni Tatay sa aking pangalan ng makita nya akong nakatayo sa labas ng bahay. "Ester, tara dali at dumating ang anak mong si Reese," sigaw ni Tatay sa loob ng bahay at nagmamadali nitong binuksan ang gate sabay yakap sakin. "Bakit hindi mo sinabi na darating ka!" "Biglaan