ILANG-BESES kong pinagmasdan ang mukha ko sa salamin habang nakasuot ako ng crop top na blouse at high waist na fitted maong pants. Nakahanda na rin ang ang maong jacket ko na dadalhin ko. Gagamitin ko iyon kung sakaling lamigin ako sa pupuntahan naming party. Pupunta kami sa reunion party ng batch mate ni Isaac sa college. Ang sabi ni Isaac ay kailangan daw casual dress ang isuot kaya ganito ang suot ko. "Why do you have to put makeup on your face? You are so beautiful you don’t need that anymore," wika niya. Saglit kong hininto ang paglalagay ng lipstick saka tumingin sa kanya. "Kailangan kong maglagay dahil baka tumingin ka sa ibang magagandang babae sa party n'yo." Sabay simangot ko. Imbes na mainis si Isaac sa sinabi ko ay parang kinilig pa siya."It's nice to hear that you're afr