SANDALING tumigil ang mundo ko nang dumikit ang labi niya sa akin labi. Ang dila niyang nais pumasok sa loob ng aking bibig. Mas lalong kinilabutan nang himasin niya ang braso ko. Sinisikap pa rin niyang makapasok sa loob ng bibig ko. Nang maramdaman niyang hindi ako kumikilos ay huminto siya sa panghahalik niya sa akin at tinitigan ako. "Bakit ayaw mo akong halikan pabalik?" Dahil ayokong matangay ng damdamin ko. Hinaplos niya ang mukha ko habang nakatitig siya sa akin. "Ang tagal kong hinintay na makitang muli ang mukha na ito," saad niya. "I-Isaac… "Hmm…. Sinalubong ko ang titig niya sa akin. "Isaac, can you kiss me again?" Tuluyan na akong sumuko. Unti-unting lumapad ang mga ngiti niya pagkatapos ay siniil niya ako ng halik. Sa pagkakataon na ito ay pinagbigyan ko ang sarili ko