Taliwas sa marahas na pagtrato sa'min kanina ng armadong grupo ay kontodo pag-aasikaso naman sila nang makilala ako nina Johannes at Moritz. Habang inaakay na nila kami papunta sa kastilyo para gamutin ay nakahinga na ko ng maluwag. Mabuti na lang at dumating agad sina Johannes dahil muntik na kong tapusin no'ng amazona kanina. I was saved by the bell. Pagpasok namin sa kastilyo ay modern villa nga ang itsura no'n sa loob. Agatha was right after all. Mula sa receiving area, patio, at home bar ay kumpleto sila sa mga silid. May makabagong kagamitan din sila at mamahaling furnitures. The outside really was just a replica of a real castle. Nang makarating kami sa living room ay tinatakasan na ko ng lakas. Ngayon ko lang naramdaman ang antok, pagod, at sakit ng katawan ko. The adrenaline rus