Wala akong imik habang nasa biyahe kami ni Yvon. He was busy speaking to what seemed to be his subordinate over the phone using a wireless earbuds as he drives. Malayo ang tingin ko sa car window pero pinakikiramdaman ko ang mga pagkilos niya. Pa'nong hindi? Nakikita ko sa reflection ng bintana ang hindi niya mapakaling mga pagsalat sa labi habang maya't-mayang nagnanakaw ng sulyap sa'kin. The way he's behaving is confusing me but I tried hard not to think about it. If I did he will consume every fiber of my being again and I don't want that to happen. Hindi ngayon na sinasanay ko na uli ang sarili ko na wala siya. Ni hindi pa nga ako completely tapos sa kanya tapos ito na naman siya. "We will meet at once," aniya, kausap ang nasa kabilang linya ng tawag. "The soonest possible would be b