Hospital hallways are much peaceful at night compared to how congested and hectic it is during day time. Hindi tulad ng representation ng movies sa mga ospital 'pag gabi na madilim at bigla na lang may magpapakita sa'yong white lady, maliwanag pa rin ang corridor at maya't-maya ako nakakasalubong ng nurses na masisipag mag-patient visit.
"Coffee, Doc?" tanong ng isa sa kanilang nakasabay ko on the way to the cafeteria. Sa scrubs niya ay nakasulat ang pangalang Theo Ramos.
"Yes," tipid kong sagot at diretso lang na lumakad.
"Okay lang ba kayo, Doc? Ilang araw na kayong straight duty. Mukha na kayong pagod at walang tulog," aniya.
Napatingin ako sa kanya, hindi inaasahan na 'di siya liliko sa nadaanan naming nurse's station.
"Understaffed ang hospital, it's only natural for us physicians to work in extended periods," nasabi ko na lang para hindi na humaba ang usapan.
Napansin ko ang dala niyang gauze, cotton balls, at micropore tape at alam ko na agad kung anong nangyari sa kanya. Bagong hire si Theo kaya hindi ko napigilang mag-usisa.
"Nahugot?" I asked this time, referring to the patient's IV.
"Yes, Doc. 'Yong matanda kasi ayaw pa-ospital kaya ayun nagwala, hinila heparin drip niya sa PICC line."
Kahit madami siyang dala ay maginoo siyang nauna para pagbuksan ako ng pinto ng cafeteria. I mouthed "Thank you." despite not wanting to talk to him ever since he had approached me.
"Coban. Use that cohesive bandage ang alam ko meron tayo no'n."
"Doc?" he looked surprised.
"Mas maganda siya kaysa sa gauze dahil hindi gano'n ka-stretchable. Tape it in one spot then start wrapping it a few layers before taping it back to a close. If the patient is agitated you may use a restraint mitts," i said, forcing a smile at the end of my recommendation.
Kinawayan na ko ng ka-team kong doktor kaya nagpaalam na rin ako para umalis. Theo kept thanking me like an absolute fan boy ako na ang nahiya para sa kanya.
"Kamusta ang celebrity doctor ng Highland Medicenter? Hanggang dito sinusundan ka ng fans mo." biro ng ka-team kong si Karina.
"Oh, please. Guestings lang naman ang ginagawa ko it's not like I'm a full-blown artist to be called a celebrity," saad ko at saka dumiretso sa espresso coffee maker.
Wala ang mga taga cafeteria kapag kapag gabi kaya kaming night shift ay sariling timpla lang ng kape o luto ng mga pagkain namin.
"Ang sabihin mo, Calixta, noon pa man kahit sa med school habulin ka na talaga ng mga lalaki. Wala tuloy pumapansin sa'kin kasi na sa'yo ang mata ng lahat."
"What are you even saying? You're a whole damn meal, Karina."
"Gosh, you're a smooth talker. Tigilan mo 'yan kapag ako kinilig panindigan mo 'to sige ka."
I pretended to act all grossed out. "Stop it!"
Tatawa-tawa siyang dumukot ng paper bill sa bulsa ng suot na lab coat. Sa halip na magtimpla ng sariling kape ay naghulog na lang siya ng pera sa vending machine.
"Iced coffee is less acidic," aniya pagkakuha no'n na nasa paper cup.
We spent 5 minutes sipping our coffees in silence. I know we're both exhausted and we needed to just be in the moment. 2:30 AM na at patay itong oras kaya nakapag-break ako kahit saglit lang. Kailangan ko bumalik agad sa ER pagkatapos nito.
"Don't overwork yourself because of that d*ckhead, Calixta. Alam kong nahihirapan ka sa break up niyo ni Dion pero alagaan mo rin ang sarili mo," she said out of nowhere.
Hindi ako nagsalita. I spent so much time with this woman back in med school and because we're roommates, she practically knows me better than I know myself. Well, except for one thing. May bagay pa tungkol sa'kin na hindi niya nalalaman.
"Take the three days off, alright? Apat na araw ka na rito sa hospital umuwi ka naman." dagdag pa niya.
"May mga pasyente akong kailangang tutukan. Mahirap mag-handover ng patients dahil prone sa errors kaya iniiwasan ko lang."
Sinimangutan niya ko bago lagukin at ubusin ang iced coffee niya. Tumayo na rin siya pagkatapos para bumalik sa station niya.
"Wag mo ng isipin 'yung nangyari sa cancer patient. It was too late for the child. She's gravely deteriorating even before the diagnosis. Ginawa mo ang makakaya mo. The other teams will manage. Magpahinga ka na muna."
MAHIRAP KAPAG WALANG ginagawa kaya ayokong nagpapahinga. Hindi ko alam sa iba pero ako, mas lalo akong nag-iisip kapag gano'n at kapag lalo akong nag-isip, mas nalulungkot lang ako.
Although, Karina's words brought me here. Sinunod ko ang pahinga na gusto niya kaya heto ako ngayon, walang ginagawa at nilalamon ng unwanted emotions na nilunod ko na lang sana sa pagiging busy sa trabaho.
"I'll have a bucket of beer and a plate of spicy wings," saad ko sa waiter. Itong resto bar lang ang lugar na naisip ko puntahan.
I've lost track of the things that made me feel alive or at the very least, happy. I used to be passionate and enthusiastic but as I grow older, being playful has lost its meaning. Ang meron na lang ako ay ang pangarap kong makapag-take ng fellowship sa abroad, malayo sa lahat dito sa Pilipinas.
"Dra. Montalvo? Wow! Totoo ngang para kayong manika sa personal. Pwede po magpa-picture?" anang resto bar manager na nagdala ng order ko.
"Sure."
The manager and the staff took turns posing a photo with me. Hindi nagtagal ay naging takaw atensyon na ako pati sa ibang customers. Minabuti ko na lang makiusap na bigyan nila ako ng oras mapag-isa dahil off ko naman at minsan lang 'to. They were respectful enough to give the space I needed.
All throughout the night, men of all ages came to approach me. They asked if I could use a company at kapag tumanggi ako ay ibang lalaki naman ang maga-attempt na samahan ako.
"As much as I like to entertain you, Sir, I'm eating a spicy and greasy chicken wing. You won't like how my breath would stink." pilit kong pinagmukhang biro ang pagtataboy ko sa lalaki na sunod namang tumabi sa'kin.
He flashed a smile, laughing just a little at my stupid attempt to turn him down. He appears decent wearing a business suit with his necktie stripped off making his style look casual.
"Kung kakain din ako ng spicy wings it wouldn't be as bad, right?" he gently joked back.
Um-order siya ng wings na kagaya ng sa'kin. I can't believe he really did that. Pagdating ng pagkain ay tinupi niya sa siko ang suot na long sleeves at inumpisahan agad papakin ang napaka-oily na chicken ng walang pag-aalinlangan.
My mouth opened agaped watching his red lips puckered as he bites the piece of meat. Nang mahuli niya ang reaksyon ko at magkatinginan kami, may balat ng chicken na dumikit sa tip ng ilong niya kaya hindi ko napigilang matawa. He shrugged it off and we exchanged laughters. Just like that, I tolerated his company.
It's past midnight when I started to feel tipsy. The influence of alcohol took over me, allowing me to run wild on the dance floor with the random stranger.
"You're too close." garalgal kong saway sa kanya.
Bumulong siya sa'kin pero hindi ko 'yun narinig dahil masyadong maingay sa lugar. Sa pagkahilo ay natapilok ako at napayakap sa leeg niya, mabuti na lang mabilis niya akong nasalo. Nagtagpo kami nang malapitan kaya mas naaninag ko sa liwanag ng disco lights ang maamo niyang mukha; sigurado akong nagpapaiyak 'yon ng mga babae. Naalala ko tuloy bigla 'yung binata na naka-one night stand ko.
It's been 2 full weeks simula ng sabihin niya sa'kin na sisiguraduhin niyang magkikita uli kami. No'ng unang mga araw, kinakabahan pa ko dahil baka totohanin niya 'yon at bigla nga siyang sumulpot sa harap ko ng hindi inaasahan.
I've braced myself bumping into him someplace else. Pinaghandaan ko talaga ang kakulitan niya. Thank G*d after that night our paths never crossed again. I wouldn't know what to do if ever.
"Nandito ka lang palang hayop ka!"
Nagitla kaming lahat sa Resto Bar nang biglang basagin ng ilang kalalakihan ang glass door ng entrance para pilit na makapasok sa establishment. Lima sila kaya hindi kinaya ng dalawang security guards na tanging bantay ng lugar. Ang trespassers na parang college students gangsters sa suot nilang black masks at stainless steel skull rings, sa unang tingin ay malinaw ng walang idudulot na maganda.
"Ilabas niyo si Eevo!" asik ng leader nilang mohawk ang hairstyle.
Mabalawis nilang binuhat ang mga upuan ng resto bar para pahampas na wasakin sa mga mesa na hindi rin kinaya ang pwersa kaya nasira. Nag-panic ang mga customer at staff. Ang manager na kanina'y nagpa-picture sa'kin, naka-focus lang sa cellphone kahit nagkakagulo na ang lahat.
"Let's go, Calixta. Hindi na safe rito." Giniya ako ng kasayaw kong businessman palayo pero pinigilan ko siya.
"She's calling the police," saad ko, kalmadong tinutukoy ang manager. "Kailangan ko manatili rito in case na may masaktan at mangailangan ng medikal na tulong."
Tumango siya at nanatili sa tabi ko, tinatabig palayo ang mga customers na bumubunggo sa'kin dahil hindi magkandaugaga sa pagtakbo papunta sa fire exit.
Hindi nagtagal ay lumitaw na ang binatang hinahanap na si Eevo. Naka-leather jacket siyang itim at nakatalikod sa gawi ko kaya hindi ko kita ang itsura niya. Ang masasabi ko lang, sa angas ng tikas niya ay naghahanap talaga siya ng ikamamatay niya. Mga bata talaga ngayon basagulero.
"Pakshit ka! Girlfriend ko pa talaga 'yang tinuhog mo! No'ng nakaraan lang 'yung sa tropa ko tapos ngayon 'yung sa'kin naman?!" singhal ni Mohawk guy.
Hindi umimik si Eevo na mas nagpakaba sa atmosphere ng resto bar. Does he have a gun or a knife? Saan nanggagaling ang tapang niyang 'yan sa pagpapakita? It's 5 versus 1. There's no way he'll come out unscathed.
"Tanga ka ba?" Eevo jested in a deep voice.
We were all dumbfounded when he started laughing like a lunatic at the peak of drunkenness. Kung tumawa siya ay nakakaloko pang nakahawak sa tiyan na para bang comedy act ang nangyayari sa paligid niya. Mas lalo niya lang ginalit ang mga naagrabyado niya. He really has a death wish!
Lumagutok ang leeg at kamao ng gangsters na handa nang sumugod. Seeing them twisting their skull rings in place where it would enhance the damage of their punches, surely, I know by now how severe Eevo's injuries will be. At dahil ako lang ang doctor dito, mukhang mapapasabak na naman ako sa biglaang trabaho. Napabuntong hininga na lang ako.
"Blame yourselves. Pipili na lang kayo ng babae 'yun pang hindi mga disente," Eevo spoke to the guys with disgust.
Napakagat ako sa labi nang ma-recognize ang boses niya. Of all places and instances bakit dito pa?