Sakay ng cogon tricycle na dina-drive ni Yvon ay bumiyahe kami papunta sa Savan. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ako ng sulyap sa kanya na nakasakay sa motor habang ako ay nakaangkas sa kadikit no'ng sidecar. Maalinsangan ang tanghali pero nagsuot siya ng black t-shirt na terno sa paborito niyang sweatpants. Paglagpas sa komunidad ng Iskana ay sobrang awkward na. Tahimik na nga ang paligid, hindi pa kami nag-uusap. Wala ni isa kina Moritz at Johannes ang sumama sa'min, at hindi ko alam kung pa'no pakikitunguhan 'tong si Yvon pagkatapos ng nangyari sa'min kanina kaya hindi na lang ako kumikibo. "Sinama na natin dapat si Ada, mas matitingnan siya sa inyo," aniya, naka-focus ang paningin sa daang tinatahak. "Hindi niya pa kaya kumilos, Yvon. Baka bumuka din ang sugat niya sa bumiyahe kaya ak