Chapter 8

2231 Words
I became very busy juggling my schedule that I didn't have the luxury of time to argue with Yvon any longer. Hinayaan ko na lang ang walang palya niyang paghatid-sundo sa'kin. He's been very extra, too, taking me out for dinner or lunch before bringing me back home. Kapag may check-up siya sa'kin ay nagdadala pa siya ng coffee at tarts, minsan croissant na may nakaipit na pastel carnation flower sa box no'ng dessert. Nagbigay siya ng bouquet para sa'kin isang beses, pinagsabihan ko siya dahil ayoko ng gano'ng pakulo sa ospital. The latter isn't the place for flashy, cheesy surprises and he seemed to understand that. Sumunod siya at naging low-key na lang pagkatapos. Sa mga pabor na binibigay niyang hindi ko naman hiningi, 'di ko na rin afford tumanggi dahil maliban sa professional job ko bilang family medicine physician, kinailangan ko um-attend ng radio shows at interviews para sa ilang regular magazine columns, at bumiyahe rin para sa photoshoot ng advertisement ko for medical brands and products. With my car still being repaired, Yvon drove me to those places unquestionably and with good grace. This day is no different. We just left the business district of a popular commercial hub here in Taguig after discussing some matters with a certain TV network's booker— an employed personnel who basically pursuades prominent personalities to appear on their show. Hindi naging maganda ang pag-uusap namin ng booker kaya wala ako sa mood. Yvon and I have been silent for almost 30 minutes now, that's how awful the appointment was. "Bakit hindi ka pumayag?" he asked, finally breaking the silence. Nag-traffic sa part ng Manila na dinaanan namin kaya nagkaro'n siya ng break sa pagda-drive. Napatingin ako sa mga batang lansangan na nakayapak at buwis buhay na naglalako ng mani at tubig sa mga motorista. Ang iba sa kanila ay walang-wala talaga, nanlilimos na lang. My heart breaks for them but at least they're alive. Kung may pangarap sila matutupad pa nila 'yon. "I don't want anything extravagant in the meantime, Yvon. Gusto kong magluksa para sa isang batang nangarap maging kagaya ko at hindi ko nailigtas. Ayokong makikita ako ng mom niya sa TV na parang walang nangyari, na 'yung anak niya nawala at nakalimutan na lang basta-basta. I have to be the one who remembers him." Lumuwag ang trapiko kaya hindi na siya sumagot pa at nag-drive na lang uli. Na-appreciate ko na binibigyan niya ko ng katahimikan para makapag-isip. He can really be gentle and sensitive at times. Kung tutuusin tama naman ang mga payo sa'kin nina Dr. Ivan at Dra. Noelle no'ng nakaraan. Hindi ko lang talaga maialis sa'kin 'yung guilt sa nangyari. Mukhang matatagalan pa bago ko 'to malagpasan. Tinabi ko na muna ang shoulder bag ko para magbigay daan sa laptop na gagamitin ko habang nasa biyahe. Ayoko mawalan ng gagawin. I have to get myself busy to get rid of these unwanted thoughts. "What are you doing? Do you not know that reading in a moving vehicle is harmful to your eyes? Stop it," he exhorted. Nagnanakaw siya sa'kin ng sulyap habang abala ako sa pagta-type at siya naman sa pagda-drive. I glanced back at him, flicking my reading glasses and adjusting its position on my nose bridge. "I have a theoretical question for you." Hindi ko na siya tiningnan dahil patuloy ako sa ginagawa. "What is it?" "Imagine if nagsulat ka ng straight lines habang nakasakay sa umaandar na sasakyan. Tingin mo mai-injure 'yung kamay mo?" "That's a weird question." his eyebrows furrowed in confusion. Still, he tried to answer. "I won't suffer an injury for sure. Mangangalay lang siguro ang kamay ko." "Exactly. You'll strain your eyes, mapapagod siya like the other times you've read and that's just about it. Unless madali akong mahilo, walang magiging problema kung magbabasa ako habang nagda-drive ka." He nodded in full understanding. Binawi niya ang isang kamay sa steering wheel at pinansalat 'yun sa labi niya na nangingiti. Nang mapansin niya na nasisilaw ako sa araw ay atubili niyang binaba ang sunshield para proteksyonan ako. "What's funny? That's a scientific fact. Hindi ako nag-iimbento." depensa ko nang mahuli ang pagngiti niya. "I know. Bawal ba ko ma-amaze sa'yo?" "Kung ganyan na para kang nang-aasar, bawal." He chuckled. "Not today. So, ano nga 'yang ginagawa mo?" "I'm writing a few blogs. I manage my own social media accounts and websites so this is taking me a while. Kailangan ko na siguro mag-hire ng social media handler para mas madali." "How many followers do you have on Instantgram?" "It's not much but around 2.4 million." He whistled sexily. "Really? Not much?" "Those are just numbers." "Those numbers are your fans." Umiling ako pero hindi na nagpaliwanag pa. Wala naman talaga akong pakialam sa mga numero. I just happened to be a public figure that promotes healthy living. That's all. "If you established your own clinic, celebrities would be all over it," he added. "I don't know, Yvon. May iba akong plano at hindi 'yun pagpapatayo ng sariling clinic na may mga kaya lang sa buhay ang makaka-afford magpatingin." "Count me in, I can sponsor whatever project that is. Ano bang plano mo?" "Secret." "This is a business partnership offer we're talking about, Calixta. Sabihin mo na sa'kin." kunot noo niyang pangungulit. "I won't say it baka ma-jinx." WE WENT to the nearest mall after eating an afternoon snack. Hindi naging maganda ang pagbisita ko kina Mamá at Papá weeks ago kaya nakalimutan ko ang laruan ng nag-iisa kong pamilya ngayon na si Chubs. Kailangan kong bumawi sa kanya. Namimili ako sa iba't-ibang klase ng mice and plush, interactive toys, at catnips nang maisip kong i-check si Yvon na nagpaiwan sa labas ng pet shop. Nakatayo siya sa hanay ng caged pets for sale na kanina niya pa inosenteng tinitingan. Minsan ay nahuhuli ko siyang sinusuksok sa kulungan ang daliri niya para pindutin ang malambot na paws ng cute na Persian cat. He's not doing anything in particular but you would see the lady shoppers taking pictures of him as they walk past by the attractive man. I don't blame their naivety. Kung hindi ko kilala si Yvon ay mapagkakamalan ko pa siyang foreign model ng Yves Saint Laurent. YSL men are sophisticated, tall, and extremely handsome. With Yvon's strong facial features and cold aura, bagay siyang isa sa kanila walang duda. 'Wag mo lang talaga siya pagsasalitain dahil ang kulit niya at nasisira ang cold image na 'yon kapag dumadaldal siya. Siya 'yung bear na akala mo grizzly bear tapos kalaunan gummy bears pala. "Let's go. Puntan tayo ro'n sa bookstore." Niyaya ko na siyang umalis sa petshop pagkatapos. "Akin na 'yan." Tinangka niyang kunin ang mga pinamili ko pero nilayo ko 'yun sa kanya. "Boyfriend ba kita? Pumirmi ka diyan. Ang usapan natin ipagda-drive mo lang ako at hindi pagsisilbihan." "Maliit na bagay lang 'to. Sige na? Look at them, pinagtitinginan na nila tayo kasi ang dami mong bitbit tapos ako na lalaki wala. Gusto mo bang ma-bash ako ng 2 million followers mo dahil hindi kita tinulungan sa mga 'yan?" Gumiya siya sa mga taong nagte-take pa rin ng pictures. "Ganyan sila kasi ang gwapo mo. Try mo lumakad 5 meters away from me para kunwari hindi tayo magkakilala." Tinaboy ko siya at inunahan nang maglakad. Sa haba ng binti niya ay walang hirap siyang nakahabol. "Naga-gwapuhan ka sa'kin?" sa sigla ng pagkakatanong niya kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong nakangiti siya. "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong pangit ka." He had a bright look on his face when he slipped his hands in his pockets. "Ich wusste es. How hard that was to admit?" "Wait, you can speak German?" Natigilan siya, unti-unting nabawasan ang ngiti sa mga labi. That probably was a wrong question to ask. What I don't understand is why, ano naman kung marunong siya mag-German? Nang makabawi ay tumango siya at nagpatuloy na sa paglakad. "So, you're from Germany?" usisa ko pa. "I usually respect one's privacy pero ngayong marami ka nang alam sa'kin siguro naman dapat may alam na rin ako sa'yo." "Interesado ka na ba sa'kin ngayon?" "You could say that," pag-amin ko na nagpangiti uli sa kanya. "Kilala mo ko sa loob at labas ng ospital pero ikaw, wala pa kong alam sa'yo except sa pangalan at sa edad mo. Sino ka ba talaga?" "What do you mean? I'm Yvon." "Bakit bigla ka na lang sumulpot at dumikit sa'kin na parang linta?" He playfully shrugged, straight up ignoring my question. Kinuha niya ang mga ipinamili ko at sa pagkakataong 'to ay hinayaan ko na siya. Nagpumilit din siya na dalhin ang shoulder bag ko kaya natawa ako nang isukbit niya 'yon sa malapad niyang balikat. Papasok na kami sa bookstore nang matigilan pa dahil sa nakasalubong namin. Namilog ang mga mata ng dalawa habang nakatingin sa kamay ko na nakakapit pa kay Yvon dahil binigay ko sa kanya ang bag ko ngayon-ngayon lang. Agad akong bumitaw bago pa nila ma-misinterpret ang nangyayari. "P-Papá, nandito pala kayo." bati ko sa kanya. Kasama niya si Mamá na nagtangkang lumapit sa'kin kung hindi lang pinigilan ng asawa. Kahit malungkot dahil pinaghihiwalay kami ni Papá, ngumiti pa rin ako sa kanya na nangingilid na ang luha sa magkabilang mata. "Mabuti naman po at wala na kayong sakit, Mamá. Nakatungkod kayo dahil siguro sa rayuma pero mukhang malusog naman kayo. Alam ko na hindi kayo pinababayaan ni Papá." Tumango siya at nagpunas ng luha. Kung tumingin siya ay parang ang dami niyang gusto sabihin, pinipigilan niya lang ang sarili dahil nandito si Papá na kasalukuyang masama ang tingin kay Yvon. Kinurot ko ang huli sa braso dahil sinasamaan niya rin ng tingin si Papá pabalik. "Sino ang lalaking 'to?" makapangyarihang tanong ni Papá. "This is Yvon, Pa. Pasyente ko at kaibigan. Yvon, si Papá at si Mamá." pormal kong pagpapakilala sa kanila. Magalang na bumati si Yvon sa mga magulang ko kahit pa hindi maitatago ang init ng dugo niya kay Papá. Pagkatapos nila makipagkamay sa isa't-isa ay wala nang nagtangka pang magsalita. Hindi ko rin alam ang sasabihin kaya buti na lang ay nagsalita na si Mamá. "Boyfriend mo ba siya, Calixta?" "Ah, no, Mamá. Kakasabi ko lang na kaibigan, eh. Kayo talaga." Sinamaan ako ng tingin ni Yvon pero hindi ko siya pinansin. "Pero nililigawan ko ho siya, Ma'am." he said out of nowhere. Gusto ko siyang sikuhin pero bago pa ko makapagprotesta ay nauna nang umimik si Papá. "Sumama kayo sa'min," aniya. Sa tono ng pananalita niya ay hindi siya tatanggap ng pagtanggi kaya wala na kaming nagawa ni Yvon. Nakabuntot kami sa mag-asawa, pasimpleng nagsisisihan kung bakit niya sinabi na nanliligaw siya at kung bakit daw hindi ko na lang siya sinabayan. Paminsan-minsan ay nililingon kami ni Papá at sabay kami ni Yvon na buong pagpapanggap na ngingiti. Pagkarating namin sa isang fancy Spanish restaurant kung saan may reservations si Papá, pumasok na agad sa isip ko na may espesyal ngayong araw. Tulad ko ay hindi kasi siya mahilig sa mga enggrandeng bagay, bukod pa ro'n hindi niya rin kami inaway ni Yvon. Ramdam ko sa kanya kanina pa ang pagtitimpi. Ayaw niyang masira ang araw na 'to. "Nakaplano pala talaga kayong pumunta rito ngayong araw. Meron po ba kayong sine-celebrate?" tanong ko pagkaupo namin. "Malapit na ang golden marriage anniversary namin ng Papá mo. May special party na hinanda ang kapatid mong si Alexa kaya heto, naisip namin ni Hernan na magkaroon muna ng selebrasyon na pribado at tahimik." paliwanag ni Mamá. Kaya pala ganito na lang kahinahon si Papá. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Napatingin ako kay Papá. Matalim ang tingin niya kay Yvon na nakangiti naman sa kwento ng mama ko. The latter really knows how to make himself at home. Napangiti na lang ako sa lalas ng loob niya. "Hindi po ba kami nakakaistorbo?" I asked. "Hindi." si Papá na ang sumagot. "Para sa apat ang reservations ko pero hindi makakapunta ang kapatid mo dahil midterm exams daw nila." "Para kanino 'yung isa?" "Sa kuya mo." Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya. Naipagtabi nila ng pwesto 'yung taong wala na pero ako na anak din nila at buhay pa ay hindi man lang nila naisip na imbitahin. Inabot ko ang high ball glass, 'yun pa lang ang may laman sa mga kasama nitong dishwares na nakaayos sa formal table setting. Nilagok ko ang tubig na laman no'n para panatagin ang sakit na gustong kumawala sa lalamunan ko bilang hikbi. Pagka-serve ng mga pagkain ay nag-lead ng prayer si Mamá. She's as religious as always. Mahaba ang dasal niya at taimtim. Nang matapos ay nag-umpisa na kaming kumain. Ito ang kauna-unahang beses na nakasama ko uli ang parents ko mag-dinner pagkalipas ng 5 years. I should be happy, I know, but I can't seem to cheer up knowing that instead of me, Kuya should be the one sitting here. "Calixta, bibigyan kita ng pagkakataon na bumalik sa pamilya." anunsyo ni Papá kalagitnaan ng pagkain namin. Sa bilis ng paglingon sa kanya ni Mamá ay mukhang hindi nila napag-usapan ang bagay na 'to. Papá made the decision all by himself and that's all the more reason to be cautious. "What's the catch?" Yvon impatiently cut to the chase. Tulad ko ay kinukutuban din siya ng hindi maganda. "Pakakasal siya sa lalaking pipiliin ko para sa kanya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD