EPISODE 8 - TEMPTING PHOTOSHOOT

2256 Words
CHASING COLE GRIFFIN EPISODE 08 TEMPTING PHOTOSHOOT OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. “Kumusta bilang personal assistant ng ultimate idol mo, Olivia Noelle Rivera?” tanong ni Koline sa akin nang makauwi ako sa aming apartment. Agad akong napasalampak sa couch namin sa may sala at napapikit sa aking mga mata dahil sa labis na pagod na aking naramdaman sa lahat ng ginawa ko ngayong araw. Meron kasing bagong album na e re-release si Cole at tapos na siyang mag recording last week at sinimulan na namin kanina ang pag shoot para sa music video. Buti na lang talaga at binigyan ako ni Lolita ng day off bukas dahil sunod-sunod na raw ang trabaho ko at nakikita rin yata niya ang pagod sa mukha ko habang ginagawa ang mga trabaho ko. “Nakakapagod, Koline,” mahinang sabi ko at napahilot sa aking ulo. “Oh. Uminom ka muna ng tubig,” rinig kong sabi niya. Minulat ko ang aking mga mata at nakita kong may dala siyang baso na may lamang malamig na tubig. Mabilis ko itong kinuha sa kanya at ininom ito. Nang maubos ko na ang tubig, nilagay ko muna ito sa counter table at si Koline naman ay umupo sa aking tabi at tinignan ako ng seryoso. “Bakit hindi ka mukhang masaya kahit pagod ka? May nangyari bang hindi maganda bilang personal assistant ni Cole, Olivia?” tanong ng aking kaibigan. Napatingin naman ako sa kanya at napakagat sa aking labi. Alam kong hindi big deal iyon para sa ibang tao na hindi ako maalala ni Cole bilang si Elle na kababata niya, pero para sa akin ay labis akong nasaktan at hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang sakit kahit na noong isang linggo pa iyon nangyari. Simula ngayon ay Elle na ang tawag sa akin ni Cole pero parang mas lalo lang akong nasasaktan dahil hindi ko talaga makita sa mga mata niya na nakikilala niya ako… parang kinalimutan na niya talaga ako at itinapon na niya ang mga ala-ala noong nasa bahay ampunan pa siya. “Hoy!” Napakurap ako sa aking mga mata nang bahagyang niyugyog ni Koline ang aking balikat. Natulala pala ako at hindi ko nasagot ang tanong ng aking kaibigan. Bahagya akong ngumiti sa kanya at bumuntong hininga. “W-Wala. Pagod lang talaga ako, Koline,” sabi ko sa kanya. Ayaw kong sabihin sa aking kaibigan kung bakit labis ang lungkot ko ngayon dahil ayaw kong kaawaan niya ako kahit nakakaawa naman talaga ako. Masyadong makapal ang mukha kong maglakas loob na tanungin kay Cole kung naaalala niya ba ako, ang kapal ng mukha kong halikan siya. Syempre hahalikan niya rin ako pabalik dahil ayaw niya naman na masaktan niya ako kapag itinulak niya ako palayo sa kanya at sabi niya nga noon ay huwag akong mahiya sa kanya dahil akin siya noong araw na iyon. Pinagbigyan lang ako ni Cole dahil malaki ang nagastos ko sa concert at nagbayad ako. Walang malisya sa kanya ang halik na iyon at wala lang din ako sa kanya. “Hala! Gaga ka! Huwag ka ngang umiyak diyan.” Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Mahigpit kong niyakap ang aking kaibigan at hindi na rin siya nag tanong sa akin kung bakit ako umiiyak ngayon. Hinayaan niya na lang akong umiyak sa kanyang balikat hanggang sa tumahan na ako. Pagkatapos kong umiyak ay nagpaalam na ako kay Koline na matutulog na sa aking kwarto. Nakita ko pa sa kanyang mukha na gusto niya sana akong pigilan dahil gusto niya akong kausapin ngunit ako na kaagad ang tumalikod sa kanya at dumiretso na sa aking kwarto at doon nag kulong. Humiga na ako sa aking kama at agad din akong nakatulog dahil sa pagod na aking naramdaman at akin ding pag iyak kanina sa may sala. Nagising ako sa malakas na pagkatok sa labas ang aking kwarto at nang mapamulat ako sa aking mga mata at pagtingin sa aking wall clock ay nakita kong alas syete pa lang ng umaga. Ang malakas na bunganga ni Koline ang gumising sa diwa ko at sa malakas na pagkatok niya sa aking kwarto. “Olivia Noelle Rivera! Gising na diyan at pinagluto kita rito sa paborito mong adobo! Halika na at kainin mo na ito kung ayaw mong ubusan kita ng ulam!” rinig kong sigaw ni Koline sa labas. Mahina akong napatawa at napakusot sa aking mga mata bago bumangon. Inayos ko muna ang aking hinihigaan bago lumabas sa aking kwarto. Agad kong nakita si Koline sa labas na nakangisi at may hawak na sandok. Hinawakan niya ang aking braso at hinila ako papunta sa may kusina at pinaupo na ako sa aking pwesto. Hindi ko maiwasan na mapangiti at matuwa nang makita kong makahanda na lahat at may plato na rin ako sa harapan at may kanin at ulam na rin dito. “Ang effort mo naman ngayon, Koline! Thank you so much for this!” masaya kong sabi sa aking kaibigan at niyakap siya bago muling maupo ng maigi sa aking pwesto at nagsimula nang kumain. Nararamdaman pa rin siguro ng kaibigan ko na malungkot ako kaya pinagluto niya ako ng aking paboritong pagkain at pinagsilbihan. Masayang masaya ako dahil nakilala ko si Koline at nandito siya palagi para pasiyahin ako at damayan sa mga problema ko sa buhay kahit ang drama ko palagi. Dahil day-off ko ngayon sa aking trabaho bilang personal assistant ni Cole, nakipag bonding na muna ako sa aking kaibigan na si Koline rito sa aming apartment. Napagpasyahan niya rin kasing umabsent na muna sa kanyang trabaho dahil boyfriend niya naman daw ang manager nila at sinabi niyang masama ang kanyang pakiramdam. Natawa na lang din ako at na-touch dahil gumawa siya nang effort na makasama ako sa day-off ko. Nanood kami ni Koline ng maraming romantic-comedy movies sa Netflix at ‘yung iba naman ay horror movies. Nakalimutan ko saglit ang mga problema ko dahil sa mga nakakatawang usapan namin ni Koline. Buong araw ay nandito lang kami sa aming apartment at bumili na rin kami ng mga pagkain at inumin para mas masaya ang panonood namin ng mga palabas sa aming TV. Balik na naman ako sa aking trabaho. Maaga akong gumising dahil may schedule si Cole alas diez ng umaga at kailangan ko pang pumunta sa G Coleman kasi doon ko susunduin si Cole dahil may recording pa siya. Ngayon ko lang napagtantong mahirap pala ang maging isang personal assistant ng isang sikat na artista at singer. Masaya naman ako dahil nakikita ko palagi si Cole at hindi naman ako mag isa dahil kaibigan ko na rin ang Team Cole, si Roger na sylist ni Cole, si Anna na make-up artist ni Cole at si Ma'am Jenny na personal manager nito. Maluwag nila akong tinanggap sa team at hindi rin ako nakakaramdam na kinakawawa ako kaya masaya ako sa aking ginagawa kahit na mahirap ito. “Good morning, Olivia!” masayang bati ni Ma'am Jenny nang makarating ako sa recording room. Ngumiti ako sa kanya at tumabi sa kanyang pag upo. Nasa kabilang room si Cole at malinaw naming siyang nakikita. Nag re-recording siya ngayon at hindi ko mapigilan na mapangiti nang marinig ko ang kanyang magandang boses. Focus na focus siya sa kanyang pagkanta at tumitingin din siya sa papel na nasa kanyang harapan. “Ang ganda talaga ng boses ni Cole,” rinig kong sabi ni Ma'am Jenny. Ngumiti naman ako at tumango. “Sobra,” sambit ko. Nang matapos na si Cole sa pag re-record sa kanyang kanta ay lumabas na siya sa kabilang room at lumapit sa producer na si Mr. Black at nang matapos na silang mag usap at lumapit na si Cole sa amin ni Jenny. Agad na niyakap ni Jenny si Cole na halatang masayang masaya. “Grabe! Dalawang taon na ako bilang manager mo pero hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako kapag kumakanta ka, Cole!” wika ni Jenny. Ngumiti si Cole at nagpasalamat kay Jenny. Nakita ko naman na napasulyap sa akin si Cole kaya napaayos ang aking upo. “Hi, Elle,” nakangiti niyang bati sa akin. Okay, Olivia, kumalma ka. Huwag kang mag isip nang kung anu-ano diyan. Bawal maging assuming! “H-Hello.” Tumayo na ako nang sinenyasan ako ni Jenny na tumayo. Pareho niya kaming inakbayan ni Cole at ngumiti. “Bago tayo pumuntang photoshoot, kain na muna tayo!” sabi ni Jenny at sabay na kaming tatlo na lumabas sa recording room. Sumakay na kami sa aming van at pumunta kami sa isang restaurant kung saan walang mga magkakagulo na mga fans at malayang nakakagalaw ang mga artista na kumain. Tahimik lang ako sa buong pag kain naming dito sa restaurant at nag uusap din si Jenny at si Cole. Mas magaan na kasama si Jenny kaysa kay Lolita pero mabait naman si Lolita sa akin, masyado nga lang siyang seryoso sa kanyang buhay at hindi ito marunong ngumiti. Si Lolita ang head manager ni Cole at maraming hina-handle na artists si Lolita kaya may mga personal manager ang mga alaga niya kagaya lang ng trabaho ni Jenny. Nang matapos na kaming kumain sa restaurant ay kaagad din kaming dumiretso sa studio kung saan gaganapin ang photoshoot ni Cole. Ang shoot na ito ay para sa isang mens magazine. Ayon pa ni Jenny kanina ay masyado raw itong hot at posibleng magkakaroon ng isang shoot si Cole mamaya na nakahubad at naka brief lang ang suot. Hindi ko mapigilan na kabahan at ma-excite na rin sa mangyayari dahil makikita ko sa personal ang pag po-pose ni Cole habang nakahubad. Nakikita ko na rin naman siyang hubad at kita ang abs niya pero sa mga magazine lang ito at billboard. Iba pa rin talaga kapag masasaksihan mo ito sa personal. Nasa studio na kaagad naghihintay ang stylist at ang makeup artist ni Cole at nang makarating kami ay aagad din siyang inayusan ni Anna pati na rin si Roger. Tahimik lang akong nakaupo sa may likod kung saan may couch at may hawak akong tumbler para may maibigay ako kay Cole kung mauhaw man siya. Lumabas na muna si Jenny dahil may kailangan siyang gawin at pupuntahan niya rin muna ang room kung saan gaganapin ang photoshoot ni Cole. Nakapikit ang mga mata ni Cole habang inaayusan siya at ako naman ay nakatitig lang sa kanya. Ang lapit ko na kay Cole, pero kahit ang lapit ko na sa kanya ay nararamdaman ko pa rin na ang layo namin sa isa’t isa. Hinding hindi ko na siya maaabot pa at kahit anong gawin ko ay hindi na maibabalik ang pagsasama naming dalawa noong kabataan namin. “All done!” rinig kong sabi ni Roger. Nakasuot ng isang ripped jeans si Cole at isang simpleng white t-shirt. Pero kahit ganoon lang ang kanyang suot ay ang pogi niya pa rin at modelong modelo ang kanyang ayos at ang kanyang tindig. Sabay na kaming lahat na lumabas sa room at tahimik lang akong nakasuot sa likuran ni Cole. Nang makarating kami kung saan gagawin ang shoot, nakita kaagad namin si Jenny na kumakaway sa amin at katabi niya ngayon ang photographer. Nagsimula na kaagad ang shoot at pumwesto na si Cole sa gitna. Habang pinagmamasdan ko si Cole habang kinukunan siya ng litrato ng photographer, nakikita ko na sanay na sanay na siya sa kanyang ginagawa at hindi na siya kailangan na turuan pa kung ano ang magandang pose dahil alam na alam na niya ang gagawin. “Good, Cole! Perfect! That’s right! Another pose!” Malaki ang ngiti ng photographer habang kinukunan si Cole habang si Jenny naman ay malaki rin ang ngiti habang nakahalukipkip. “Okay! Break time na muna!” Nang tumigil sila ay kaagad akong sinenyasan ni Jenny na lapitan ko si Cole. May dala akong bimpo at tumbler at kaagad din akong lumapit kay Cole. Nag lakad din siya papalapit sa akin at kinuha niya ang tumbler at uminom ng tubig dito. Habang umiinom si Cole ng tubig ay pinupunasan ko naman ang kanyang pawis. “Cole, mag hubad ka na!” Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin iyon ng photographer. Napatingin ako kay Cole ay nakita ko siyang nakatingin din sa akin. Binigay niya ang tumbler sa akin at nagulat na lang ako nang bigla siyang mag hubad sa aking harapan. “Ikaw ang maglagay ng oil sa katawan ko,” paos niyang sabi habang nakatingin sa akin. Napalunok ako sa aking laway at napakurap sa aking mga mata. “H-Huh?” Nakita ko ang kanyang pagngisi at bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha sa may tainga ko. “Sabi ko, ikaw ang maglagay ng langis sa katawan ko. Ayokong may ibang humawak sa katawan ko, gusto ko ikaw,” bulong niya sa akin. Ang lakas ng t***k ng aking puso at malapit na ata akong mahimatay. “Olivia, lagyan mo na ng oil ang katawan ni Cole!” rinig kong sigaw ni Jenny. Lumapit sa akin si Anna at kinuha ang hawak kong bimpo at tumbler at binigay niya sa akin ang bote kung saan may laman na oil na ilalagay ko sa katawan ni Cole. Muli akong napatingin sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sa akin na parang hinihintay ang gagawin ko. “What are you waiting for, Elle? Put oil on my body,” mapang-akit na sabi niya at napahawak sa kanyang abs at bahagya itong hinimas. Napalunok ako sa aking laway at bahagyang napatulala habang nakatingin dito. Oh, God. What a temptation! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD