DARKNESS - 3

1370 Words
"Sheena! Lumabas ka d'yan! Ano nanamang drama 'yan?!" "Sheila, kailangan magpahinga nung bata." "Wala akong pakialam! Palabasin mo s'ya!" "P-pero.." "Ano ba manang! Are you deaf?! Palabasin mo ang malandi na 'yon!" "M-masama pakiramdam nung bata," "Ano ba! Gusto mo bang masaktan ka, Tanda?!" Napatakip ako sa dalawa kong tenga ng marinig ko ang mga sigawan nila. Eto nanaman ang pakiramdam ng kamatayan. Napaigtad ako ng makarinig ako ng malakas na katok sa pinto. N-nandyan n-na s-sila. 'Dios ko po' Napapikit ako habang nanginginig ang buo kong katawan, nakasiksik ako sa dulo ng madilim na silid na 'to habang yakap ko ang sarili ko. "Sheen, Open the damn door!" "Sheena, lumabas ka na hindi ka sasaktan ni mommy," A-ayoko.. Please.. "SHEENA!" Napahagulgol na ako ng iyak at napatakip sa bibig ko para hindi nila ako marinig. M-malapit l-lang sila sa'kin. "SHEENA!" Biglang nabuksan ang pintuan at mabibilis na yabag ang lumapit sa'kin saka ako hinila patayo. "H'wag mo nga kaming artehan!" Sigaw ng kambal ko sa'kin habang mahigpit ang pagkakapit sa braso ko. "P-Please.. H-h'wag.." umiiyak na sambit ko sa kan'ya pero imbis na maawa sinampal pa niya ako ng malakas kaya napaupo ako sa sahig at napahagulgol. "Magbihis ka! May bisitang dadating! Umayos ka!" Sigaw niya sa'kin at dinuraan ako bago umalis sa harapan ko. "Sheena anak, Mag-ayos ka okay? May bibili na sa'yo kaya kailangan maganda ka sa harapan nila." malambing na sambit ni mommy sa'kin at ngumiting umalis sa silid ko. Napahilamos ako sa mukha ng marinig ko ang sinabi niya! F*ck this damn life! Hindi pa ba sila kuntento sa pagpapahirap sakin?! Pinaparusahan, sinasaktan, Then now?! Binenta nila ako?! Ano pa?! Ano pa ba ang dapat kong danasin sa mga kamay nila?! Sige pa! Kulang pa 'to! Kulang na kulang pa! Pahirapan niyo pa ako! Saktan niyo pa ako! Hanggang sa makuntento kayo! Hanggang sa tuluyan na akong sumuko. Hanggang sa tuluyan na ako mawala sa mga landas niyo.. Nakatulala lang ako habang inaayusan ni Shanna, nakangiti pa siya sa harapan ko na para bang kapatid na talaga ang turing niya sa'kin. Wala ba talaga siyang puso? Hindi ba magkarugtong ang buhay namin, pero bakit ginaganito niya ako? Bakit galit na galit siya sa'kin? "We're done! Ohmyyy! Pasalamat ka, may bibili pa sayo kahit madumi kanang babae kahit isa kang malandi!" natatawang insultong sambit niya sa'kin at bahagyang sinampal ang mukha ko. "Napaka pangit mo! Hindi ka nababagay sa isang Karlos! Like duh! You look like a trash! Bagay ka sa basurahan!" Natatawang dagdag pa niya napayuko na lang ako at hindi umimik. Baka kasi parusahan nanaman ako kapag nagsalita ako. "Maging masunurin ka lang at mabait, promise hindi kita aawayin. Saka mayaman ang nakabili sayo! Isang biyudo!" Tumigil bigla ang mundo ko sa sinabi niya. Binenta nila ako sa matandang mayaman? Wala na ba talagang natitirang awa sa kanila? Mapakla akong natawa sa isip ko, Awa? Wala sila no'n. Nagagawa nga nila akong abusuhin, ito pa kayang ibenta ako? They're monster. "Shanna, faster. Nandito na ang bibili sa kanya," rinig kong sambit ni mom kaya napatango si Shanna na excited sa mangyayari. "Sheena," Lumingon ako kay Nanay Esme at Tina na may halong pag-aalala. "Patawad wala akong magawa para sayo," malungkot na sambit ni Nanay Esme sa'kin. Malungkot naman akong ngumiti sa kanya. "Siguro ito na talaga ang kapalaran ko, Nay." umiling siya sakin at hinaplos ako sa buhok. "May pag-asa pa konting segundo na lang lalabas ka na ng silid na ito para kuhanin ka ng matandang bibili sayo, I'm sorry.." naiiyak na sambit niya at niyakap niya ako miski si tina nakisali sa yakapan namin. "Itatakas ka namin," Natigilan ako sa binulong sa'kin ni Tina. Gulat akong napatingin sa kanilang dalawa at hindi makapaniwala. "Tama ang anak ko, hindi ka pwedeng mabuhay na punung-puno ng pasakit kailangan mong maging malaya sa impyernong buhay na 'to," naiiyak na sambit muli ni Nanay Esme habang niyayakap ako kaya natulala na lang ako sa harap ng salamin. Kung itatakas nila ako, Pwede silang mapahamak. Alam ko ang kayang gawin ng pamilya ko, ayokong pati sila madamay sa gulo ko. Ayokong pati sila saktan nila kagaya ng ginagawa nila sa'kin. Mas hindi ko kakayanin kung sila ang sasaktan ng pamilya ko. Sila na lang ang natitira para sa'kin. "Kaya h'wag ka ng mag-alala Sheena, kami ng bahala kung paano ka makakatakas mamaya," ngumiti sa'kin si Tina parang sinasabi niyang mag-tiwala ako sa kanila. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan sa gustong gawin nila. Natutuwa ako dahil sa wakas may pag-asa pa akong lumaya sa buhay kong 'to, O kakabahan, dahil ang kapalit no'n ay ang mga buhay nila. Pwede silang patayin ng mga magulang ko. Kung ako nga na anak nila nakakaya nilang saktan, ang ibang tao pa kaya? No. Hindi ako papayag na pati sila manganganib ang buhay ng dahil lang sa'kin. "Nay, Tina, tanggap ko na ang kapalaran ko. H'wag niyong isugal ang buhay niyo para sa'kin, please.. Mangako kayo sa'kin na makakaalis kayo sa impyernong bahay na ito. H'wag niyo na Akong alalahanin pa kaya ko pa," ngiting sambit ko sa kanila at tinapik lang sila sa balikat. Ayokong may mapahamak ng dahil lang sa'kin, para ko ng pamilya sila Nanay Esme at Tina, ayokong pati sila danasin lahat ng hirap. "P-pero, Sheena--" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Tina ng hawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. "Eto ang huling hiling ko sa inyo," sambit ko at tumingin ulit sa harapan ng salamin atsaka ko hinaplos ang mukha ko. Ang mukha kong hawig na hawig si Shanna. Sa kahit na anong anggulo, magkaparehas kami. Mula sa mata ilong at labi. Parehas kami, Pwera lang sa buhok dahil siya natural ang kulot ng buhok niya at itim na itim, pero sa'kin ay mahaba at straight ang buhok ko pero hindi ganun kaitim masyado ang buhok ko. At itong mukha rin ang dahilan kung bakit nakatago lang ako sa anino ng kakambal ko. At itong mukha rin ang dahilan ng paghihirap ko, May tumulong luha sa mga mata ko Ang luhang.. Punung-puno ng hinagpis, poot at pait. Dadating pa kaya ang araw na makakalaya rin ako? At masisilayan ang tunay na mundo? Ang mundong kay ganda at makulay gaya ng kwento sa'kin ni Tina Kung saan marami kang matatagpuan na totoong kaibigan, pekeng kabigan at user na kaibigan. Ang sabi ni noon sakin Nanay Esme, hindi daw patas ang mundo dahil hindi pantay-pantay ang mga tao Merong mahirap, Merong mayaman, At Merong kapus-palad. Bakit nga ba ang unfair? Bakit hindi na lang maging pantay-pantay ang lahat? Bakit hindi na lang din makuntento kung anong meron ka? Wala sanang mahirap, Wala sanang kriminal, Wala sanang masasamang tao na gumagawa ng kahit anong bagay na labag sa dios. Wala sanang alipin, Pero ano nga ba ang pinagkaiba ko sa ibang tao? Isa din akong alipin na sinasaktan, ginagamit at pinaparusahan. Isa akong alipin na kaya nila akong paglaruan. Isang alipin na kaya nilang paikutin sa mga kamay nila. Hindi na ba ako pwedeng mamuhay ng normal? Yung dadaan sa pagkabata at maglalaro ng larong kalye, Yung dadaan sa pagiging dalaga at ang pagkakaroon ng 'crush' o nobyo. Hindi ko alam kung maiinggit ba ako sa ibang tao dahil hindi nila nadadanas ang mga naranasan ko, o masuwerte lang talaga sila dahil hindi katulad ng pamilya ko ang naging pamilya nila. Dahil kung naranasan nila lahat ng ito? Doon ko masasabing hindi lang ako ang pwedeng dumanas no'n kung hindi pwede rin pala sa ibang tao. Truth hurts' ika nga ni Tina. "Sheena, it's time." nakangising sambit ni Shanna habang nakasandal sa gilid ng pintuan. Ang kakambal kong maswerte sa lahat. Maraming kaibigan, Mahal ng magulang, At lahat ng bagay ay pwede niyang makuha. Kumpara sakin.. Ang kakambal niyang malaimpyerno ang buhay. "Susunod ako," nanghihina kong sambit at pilit na ngumiti. Umirap naman siya at umalis din siya kaagad. "Sigurado ka na ba sa gagawin mo anak?" Nag-aalalang tanong ni Nanay Esme sa'kin. Hinawakan ko naman siya sa kamay at sinasabing 'okay lang ako', kahit ang totoo hindi ako okay. I'm concerned about what might happen to me tonight. But I have to face everything. Faced with the darkness, This might be my last chance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD