DARKNESS - 16

1627 Words
A P H R O D I T E "Magiingat ka.." nagaalalang sambit ni tina sakin. Nginitian ko siya at tinanguan. Kahit masyadong delikado gagawin ko, kailangan kong gawin to for sheena sake! Ayokong mahuli siya ng mga karlos para mahirapan ulit! Tama na ang paulit ulit siyang nasasaktan, halos hindi na matapos tapos ang problema nila sa mga karlos! Tsk. Masyado na talaga silang harang sa buhay namin! Tsk. Napahinga ako ng malalim at akmang lalabas nako ng makarinig kami ng ilang mga yabag at mga boses. "Hanapin natin! Mayayari tayo kay boss!" "Nasan naba kasi yung babaeng yon?! Pahirap siya! Dapat sa kanya namatay na lang eh!" "Oo nga! Tayo tuloy ang pinapahirapan!" Fvck them! Napakuyom ako ng kamao at masama ang tingin sa mga tauhan ng mga karlos! Wala silang alam sa mga pinagdaanan ni sheena! Kaya wala rin silang karapatan sabihan ng ganon si sheena! "Tatandaan ko ang mga mukha nila at ipapahuli ko sila kay kuya vanni!" Gigil na bulong ko habang nakasilip sa siwang ng pinto. Humanda sila! Papahirapan ko talaga sila! Lalong lalo na yung nag-timbre na yon! Babalatan ko siya ng buhay! Makikita nila kung ano ang kayang gawin ng isang Aphrodite Ezrael! Tsk. Nang mapansin kong nakalayo na sila, huling sulyap pa ginawa ko sa kanila bago ako dahan-dahang lumabas at isinarado ang pintuan bago ako nag-lakad palayo sa pinagtaguan ko kayla tina. Huminga ako ng malalim at taas noo akong naglakad, kahit napapansin ko na nagtatakbuhan ang mga doctor at mga nurses sa hallway. Mukang nandito na sila. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa opisina ng isa sa mga doctor rito, kaya agaran akong pumasok sa loob. Pumikit muna ako ng mariin bago ako lumingon sa doctor pero fvck! Muntikan nakong matumba ng makilala kung sino ang nasa harapan ko. "Damn you kuya leon!" mahinang sambit ko sa kanya habang nanggigigil sa kanya. "Bagay sakin maging doctor?" Nakangising tanong niya sakin na inirapan ko lang siya. "Hindi! Bat ba suot mo yan?" Naiiritang tanong ko sa kanya imbis na sagutin ako, binato lang naman niya sa mukha ko ang isang uniform ng mga nurse. "What the.. Anong gagawin ko dito?!" Grrr! Naiirita ako sa mukha ni kuya leon! Malaki na nga problema namin dumadagdag pa siya! "Suotin mo yan, its your time to shine. Ipakita mo sakin ang best acting skills mo" nakangising sambit niya sakin. "Tsk. Gwapo ko pala para maging doctor..." Bubulong bulong niya bago lumabas ng opisina. Napapadyak naman ako sa inis! Dzuh! Sa ganda kong to?! Magiging nurse lang?! Aarte pa aphrodite?' Tsk. Fine, pero last na to! Pahirap talaga sa buhay ang mga karlos nakakainis! Iritang irita ako sa pag-suot ng isang uniform ng nurse at paulit ulit kong sinumpa si kuya leon na mabaog sana siyang letse siya! Grrrr! Nang makita ko ang kabuuan ko sa salamin, napatango tango na lang ako at napangisi. "Not bad.." Bulong ko at lumabas na rin ng opisina. Napansin kong nakaabang sakin si kuya leon at may diagnose chart siyang inabot sakin, padarag kong kinuha ito at inambaan ko siya ng batok pero tatawa tawa lang siyang umiwas at naglakad nag nakapamulsa. "Mabaog ka sana! Grrr!" Bulong ko at sumunod na rin ako sa kanya. Pagkarating namin sa nurse station, napansin agad namin ang pamilyang karlos na para bang nagtatanong sa isa sa mga nurse na nandon. Napangisi na lang ako at napahinga ng malalim. It's time to act. I hope na nakaalis na sila tina don, please god save them thank you! "Miss may patient kayong sheena karlos?" Kunot noong tanong ni mrs.karlos sa isang nurse. "Sheena karlos? Wala pong sheena karlos na naka-admit dito ma'am," Napairap naman ako sa kanila, hindi niyo siya mahahanap! At hinintay ko na lang ang paglapit ng mga karlos sa kinaroroonan namin. "Mom! I know wala si sheena dito! I have a date with Gaze!" Date your face b***h! "Shut up shanna! Stay here!" inis na sambit naman ni mr.karlos sa anak niyang demonyita tsk. "Arrgghh! Bat ba hinahanap niyo pa yon?! Im sure she's dead! Remember the news?!" Tsk. Tuwang tuwa naman na namatay si sheena! Mga inutil talaga mga uto-uto! Yeah, nung nag-attempt suicide si sheena don na rin namin kinuntsaba ang mga media na ibalita nila na may natagpuan silang bangkay ng babae sa ilog, para isipin nilang patay na si sheena. May nakapagsabi naman sa kanila na nandito sa hospital na to nagpapagamot si sheena! At nagawa pa nilang patayin ang doctor na tanging witness namin! Naalala ko pa kahapon na nakausap namin ang isang doctor na nakakakilala kay sheena i thought he was a puppet of karlos pero nagka-mali ako. "S-Si Sheena karlos ho ba yan Mr.Ezrael?" gulat na tanong niya kay kuya vanni na nakakunot lang ang noo. "P-Paano niyo nakilala si sheena?" takang tanong naman ni tina sa doctor. Oo nga, Paano niya nakilala si sheena? Tauhan ba siya ng mga karlos?! I have a bad feeling about this. Napatikhim naman siya at nanginginig siyang lumapit sa kinaroroonan ni sheena. "S-Siya nga! J-Jusko a-anong nangyari sa kanya?" Gulat na gulat na tanong niya habang tinitignan ang buong katawan ni sheena na may mga sugat at pasa pa. "As you can see, she was torture by her family" ako na ang sumagot dahil halatang naguguluhan pa sila. Miski rin kaya ako! "A-Ano?! J-Jusko po! s-sana n-naging matapang lang ako hindi to mangyayari sa kanya!" naluluhang sambit ng doctor. Napakunot naman ang noo ko sa kanya. Ano ang ibig niyang sabihin? Bago pa ako makapagsalita naunahan nako ni tina. "Ano ang ibig mong sabihin? Sino ka ba? Bakit kilala mo si sheena?! Tauhan ka ba ng mga karlos?!" Sunod sunod na tanong ni tina at akmang susugudin na niya ang doctor ng pigilan siya ni kuya leon. Sunod sunod namang umiling ang matandang doctor saming lahat. "H-Hindi, nagkakamali ka magpapaliwanag ako.." natatarantang sambit niya at pinunasan niya ang mga luha niya. "Ako si Renato Guillermo, ang plastic surgeon.." A-Ano daw? Plastic surgeon? The heck! Anong kinalaman ni sheena don?! "Pwede bang diretsuhin niyo ho kami?" Iritang sambit ni tina sa doctor, kaya napa-iwas ng tingin ang doctor sa kanya at huminga ng malalim. "Kilala ko na si sheena mula maliit pa, dahil isang beses na siyang dinala ng mga karlos sa opisina ko, sa tingin ko limang taon siya noon," panimula ng doctor. "5 years old?" biglang singit ni harry kaya nagtaka kami sa reaction niya. Parang ngayon ko lang siyang nakita sa isang interesadong bagay. "Oo, iyak nga ng iyak ang batang yan nung dinala ng mga karlos sa opisina ko, kasama pa si shanna. Tinanong ko sila kung sino ang bata, ang sagot lang nila kakambal daw ni shanna," Nilingon niya si sheena at may malungkot na ngiti. "Pero hindi ako naniwala dahil hindi sila magkamukha, hindi na rin ako nang-usisa pa dahil baka mapahamak pa ako kapag taliwas ako sa mga sasabihin nila. Inutusan lang nila ako ipa-plastic surgery ang bata, pero tumanggi ako dahil masyado pang bata si sheena para sapitin niya ang plastic surgery, pero tinakot nila ako na mapapahamak ako at ang buong pamilya ko kapag hindi ko sinunod ang utos nila.." Huminga siya ng malalim at napaupo siya sa monobloc chair. "Agad akong nagsagawa ng surgery nung gabing yon, ang sabi pa nila mukha daw ni shanna ang ipalit ko sa mukha ni sheena.." Napanganga ako-ay no! Kaming lahat maliban kay harry at kuya vanni na seryoso lang na nakikinig sa kwento niya. Don't tell me, naniniwala sila sa pinagsasabi nito?! Baka mamaya modus ng mga karlos para malaman kung saan ang kinaroroonan ni sheena! "Anong.." Hindi na natuloy ang sasabihin ni tina na mapatingin siya kay sheena na mahimbing ang pagkakatulog. "Im sorry, wala akong nagawa kung hindi gawin yon dahil papatayin nila ako kapag hindi ako sumunod, pagkatapos ng surgery, naging successful kaya tuwang tuwa ang magasawa. Iyak lang ng iyak si sheena ng matanggal ang nakabenda sa mukha niya, at ang dati niyang mukha napalitan ng mukha ni shanna.." Nakayukong sambit niya na mas lalong nagpa nga-nga samin ni tina. "You mean.." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko na tumango ang doctor. Fvck them! Paano nila nagawa yon sa isang musmos na bata?! Mga demonyo sila! Mga halimaw! Mga walang awa! "Sheena Karlos doesn't exist, dahil hindi ko kilala kung sino ang batang ito.." Napatakip ako sa bibig at ilang beses na napamura. Kung ganon.. Sino si sheena? At ano ang buo niyang pagkatao? "Dahil alam kong nag-iisang anak lang si shanna" Tuluyan nakong napaupo dahil hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang lahat ng sinabi niya. Iisa lang ang naintidihan ko.. Hindi kambal ni sheena si shanna. Hindi sila magkapatid at mas lalong hindi sila magkadugo! Ang tanong, sino siya? Sino ang totoong siya? "P-Pwede bang makita ang larawan ng dating mukha ni sheena?" biglang sambit ni harry at napansin naming hindi siya mapakali at parang balisa siya. "Ay oo teka dala ko.." Inabot ni mr.guillermo kay harry ang isang folder na kanina pa niya hawak. Nanginginig namang hinawakan ni harry ang folder at nanginginig din niyang tinignan ang mga litrato hanggang sa nabitawan niya ang folder at dali daling lumabas ng silid ni sheena. Nagkatinginan kaming lahat sa inasta niya. Anong nangyari sa kanya? Kaya nga palaisipan samin ang mga sinabi ni doc guillermo, pero wala na siya ngayon dahil pinatay siya sa may rooftop ng hospital kung saan susunduin sana siya ng chopper namin para mailayo siya at ang pamilya niya sa mga karlos. Nadatnan naming nakabulagta siya habang naliligo sa sarili niyang dugo. Hindi namin alam kung sino ang may gawa, pero iisa lang nasa isipan namin kung sino ang may pakana. Ang pamilyang nasa harapan na namin ni Kuya Leon. Ang mga Karlos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD