Episode 20

1160 Words

KINAGABIHAN ay hindi pa rin tinangkang lumabas ni Anna sa silid. Buong araw ay nagawa niyang maiproseso sa utak niya ang tunay niyang kalagayan. Nasa isang ospital siya, hindi na siya nakakulong. Sa pagkakaalam niya, kapag ayos na ang kalagayan niya ay hindi na siya puwedeng manatili rito. Ang kaso... saan siya pupunta? Wala naman siyang kakilala, wala siyang alam, hindi na niya alam kung ano ang dapat gawin. Bata pa lang siya noong huli niyang masilayan ang mundo, wala na siyang masyadong alam sa mga bagay-bagay. Iyong lugar kung saan sila nakatira dati ng Lola niya ay hindi na niya matandaan ang lugar... ang Lola niya... buhay pa kaya ang Lola niya? Noong bata pa siya ay nanghihina na ang Lola niya, ngayon sampung taon na ang lumipas, buhay pa rin kaya ito? Natatandaan pa kaya siya nit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD