SINO KA?

1807 Words

Mabilis akong lumingon sa lalaking nagsalita sa likuran ko at nakita ko ang isang tauhan ni Senyorito Waxwell. Ito ang pinagkakatiwalaan niyang tauhan. Matagal na ito sa lalaki. Mula nang dumating ako ay tauhan na niya ito. Sa aking pagkakaalam ay halos magkasing edad lang ang dalawa. Napansin kong bigla itong nagulat nang makita ako. “Ma'am Maxelyn, ano pong ginagawa ninyo rito sa likod bahay?!” tanong sa akin ni Roge. Hindi muna ako nagsalita sapagkat buong lakas kong sinipa ang binti ng lalaking sakal-sakal ko. “Hindi ko alam kung saang lumalop ng kulungan kinuha ng Amo mo ang adik na ‘yan. Alam mo bang balak nilang gahasain si Tari. Kung tama rin ang hula ko ay mga nag- drugs sila---” walang paligoy-ligoy na sabi ko kay Roge. Kitang-kita kong naningkit ang mga mata ni Roge sa m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD