Ngunit nanlalaki ang mga mata ko nang makitang nakikipaglaban na rin sina Waxwell at ganoon din ang mga tauhan nito sa mga kalaban na umataki sa kanila. Napansin ko rin na mas lalong dumami ang mga kalaban ng lalaki. Hayop! Dahil papatayin talaga nila si Waxwell, lalo at mas malakas si Waxwell kumpara sa ibang nga kalaban na hahangad bilang presidente ng bansa. Matunog na matunog ang pangalan ng lalaki, kaya gusto itong ipatumba ng mga Wild Biniki Syndicate. At oras na mawala si Waxwell ay magagawa na nila ang nais nila. Pero hangga't nabubuhay ako ay pipigilan ko sila at ililigtas ko ang lalaki. Asawa ko pa rin ito kahit sa papel lamang. Agad kong kong kinuha ang aking baril. At isa-isang pinagbabaril sa ulo ang nga kalaban nina Waxwell at mga tauhan nito. Wala akong itinira kahit is