HINDI tuloy makapagsalita ng mga sandaling ito. Parang dahil sa Hambog na ito ay masisira ang aking pinaghirapang plano. Hindi ito ang kailangan ko, kundi si lola Mona. Isa lang itong panggulo sa aking buhay. “Huwag mo akong kausap, dahil hindi ikaw ang kailangan ko, nasaan na ba si lola Mona?” Balak ko na sanang umalis sa harap nito upang puntahan si lola Mona sa kwarto nito ngunit naramdaman kong mahigpit na hinawakan ang aking braso ni Hambog. Inis naman akong lumingon sa lalaki. Ngunit sa nakikita ko sa mukha nito ay para mas galit pa ito sa akin. Hanggang sa kuhanin nito ang cellphone niya. Nakita kong may tinawagan ang lalaki at baka si lola Mona. “Gradma, kausapin mo ang ampon mong matigas ang ulo!” inis na sabi ng lalaki. Masama rin ang tingin nito sa akin. Hanggang sa ipagduld