Mabilis akong napabalikwas nang bangon nang tuluyan akong magising. Hingal na hingal ko at sobrang lakas ng kabog ng aking Dibdib. Parang totoo ang aking panaginip. Bigla tuloy akong nag-alala sa kaligtan ni Waxwell. Dali-dalli ko tuloy kinuha ang aking cellphone. Agad ko itong binuksan at baka nagtext ulit si Waxwell. Mayamaya pa’y sunod-sunod na pumasok ang mga text sa akin ni Waxwell. Ngayon lang itong umaga. Ang ang sabi niya rito ay magkita kami sa isang restaurant. Hihintayin daw niya ako roon kahit ano’ng mangyari. Bigla ko tuloy nahilot ang aking noo. Hanggang sa nagmamadali akong umalis sa ibabaw ng kama. Agad din akong pumasok sa loob ng banyo para maligo. Sobrang bilis ng mga kilos. Lalo at panay ang pasok sa aking utak ng panaginip ko. Iwan ko ba ang lakas ng kabog ng dibdib