Magkakasunod akong napalunok. Hindi ako alam kung tatakbo ba ako, lalo at gulat na gulat ako. s**t? Hanggang sa umiwas na lamang ako ng tingin sa lalaki. Kunwari hindi ko ito kilala o hindi ko siya nakita. May nakita akong taxi. Kaya agad ko itong tinawag. Agad kong pinasakay ng taxi ang aking kapatid. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha nito. Hanggang sa tuluyan kaming nakapasok sa loob ng sasakyan. “Ate, saan tayo pupunta? Di ba 'yon lang ang bahay natin?” tanong ni Malia sa akin. "Diyan lang tayo maglilibot,” sagot ko. Pasimple akong lumingon. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang makita kong pumasok na ang kotse ni Hambog sa loob ng gate nito. Abot-abot talaga ang aking kaba. Hanggang sa sabihin ko sa taxi driver na bumalik na kami dahil may nakalimutan ako. Sinabi ko namang m