[MELLO IXEN’S P.O.V.] “Hindi ko inaasahan ang nagawa mo na ‘yon kanina sa nerd, Ixen!” natatawang sambit sa akin ni Lowell. Narito kami ngayon sa dorm namin at nag-iinuman. Sakto rin na walang klase kanina dahil may mga meetings ang lahat ng professors. Sigurado rin naman ako na baka hindi makapasok ng ilang araw ang nerd na ‘yon. Pagkatapos ko ba naman siya na ipahiya, sa tingin ko ay wala na siyang mukhang maihaharap sa aming lahat. “Nagulat pa kayo sa nagawa ko? Gusto ko lang naman na maging tahimik ang buhay niya rito sa Alston kahit saglit lang. Lalo na at bago lang siya rito. Pero sa una lang ‘yon,” sagot ko. “Kaya nagtataka kami kung bakit ba ang bait mo sa nerd na ‘yon. Kinilabutan nga ako dahil akala ko, mabait ka na. Itatakwil na sana kita bilang kaibigan!” sagot naman ni