Kabanata 1

1383 Words
WALANG pag-aalinlangang sinakal ang isang lalaki sa harapan ng mga bagsak na kalaban. "Sinabi ko namn sayo pare, kalabanin mo na si Satanas wag lang ako." Matapang na sabi ng isang babaeng ngumunguya nguya ng gum na hawak hawak ang isang baseball bat at may galos sa kanang pisnge kaharap ang limang kalalakihang nakahandusay sa semento na halos mamilipit sa sakit sa daming bugbog na natamo mula sa baseball bat na hawak nito. " Sa susunod na magtagpo pa ulit tayo, asahan niyo ng yun na ang huling hininga niyo sa araw na yun." Sisipain niya pa sana sa ulo ang malapit sa kanyang nakahandusay na lalaki nang biglang ... " Boss, boss !! boss ! may police. Tara na. Umalis na tayo." Pagmamadali ng isang lalaki sa babae. Pero bago pa man sila nakakilos ay napaligiran na sila ng mga ito Pagdating sa Police Station " Pam--pambihira. Siya na naman ? Dib--di ba kalalaya lang niyan nung isang araw?" Tanung nang isang police na gulat na gulat nung makita ang babaeng ipinapasok sa kulungan kasama ang tatlong kasabwat pa nito. " Eh Sir, pano nakipagbalitaktakan na naman ng rayot dun sa may bakanteng lote sa kabilang kanto. Ang malala halos mapatay nito ang Sabado Gang. " Sumbong nung pulis na siyang nagpapasok sa kulungan sa babae at ang tatlo pa nitong mga kasabwat. IKINAGULAT naman ng mag-asawa ang pagtunog ng telepono na agarang sinagot naman ng isang babaeng nasa edad trenta na mahigit. " Again?Okay I'll give it to him." Saka sandaling pinuntahan ang asawa sa office room nito. " Hon ! "Saka iniaabot sa asawa ang fone. " Hon, I have to finish this now, so please don't disturb----" Di na natapos pa ang sasabihin nang ... "It's about your hard headed daughter again." Napatigil naman ito bigla sa pag tatype sa laptop at napatingin sa asawa.Na pilit pa ding inaabot ang fone. Napabuntong hininga naman ito saka kinuha ang fone. " Speaking, what's the proble----what? Talagang ang batang yun !" Napatayo at napakuyom ito ng kamao sa galit. " Si Attorney Millie na ang tawagan mo at siya na ang bahala. Sabihan mo din si Attorney na siya na ang bahala dun sa mga naisugod sa ospital. At dapat bukas na bukas bago sumikat ang araw eh nandito na yang magaling na bata sa bahay." Saka mabilis na pinatay ang tawag KINABUKASAN: " Master, dumating na po si Lady Spica." Bungad ng butler nitong si Akarios sa among nakatalikod at nakatingin sa glass window sa pagsikat ng araw. " Ipahanda mo na ang makakain. "Utos nito sa butler. " Masusunod po Master." Saka tumalikod ito at tuluyang lumabas. " Oh, dumating na pala ang pinakamabaet na nilalang sa bahay na tuh." Bungad na sabi ng bago niyang madrasta. " Pwede ba, wag mo ko simulan baka makakita ka ng demonyo kapag tuluyan kitang itinulak sa hagdanang tuh." Matapang niyang sabi saka humakbang pababa. Nang biglang hinawakan siya nito sa braso. " Oopsss, alam mo na ba? Or should I say, sinabi na ba sayo ng daddy mo na lumipat na ko dito kagabi." Napalingon siya agad sa madrasta na nakangiti sa kanya, tila ba'y nang aasar pa. Halos tumigil ang mundo niya sa sobrang gigil sa galit. Dahan dahan niyang inialis ang kamay sa pagkakahawak nito sa braso niya saka ngumiti. " Well, kahit na mamatay ka pa ditto. Wa-la a-kong paki-alam !” Saka siya ngumiti at tuluyang bumaba na habang nakakuyom ang kanyang mga kamao. Napangisi naman ang madrasta nito saka hinawi ang buhok habang paakyat sa taas. MAKALIPAS ang hapunan, nanginginig at nag tutulakan ang mga katulong na usisahin ang amo kung ano nga ba ang itinungo nito sa kusina. " Nakoo po, Lady Spica bakit nandito po kayo sa kitchen. Bawal ka po dito. Maraming-----" Di niya na pinatapos ang sasabihin pa ng isa sa maid na naglakas loob ngunit nanginginig sa takot sa harapan niya na siyang naka asayn sa kitchen para magluto nung mga oras na yu . " Don't worry di na ako tatablan niyang mga bacteria na yan. Anyway, asan ang salad for this breakfast na dadalhin niyo sa table para sa bisita natin?" Naka smile niyang sabi. Alam niya kasing maghahanda ito ng salad dahil nandiyan siya. Madalas kasi salad ang gusto niya lang kainin para kahit papano malamog lamigan naman ang pagiisip niya kapag nasa loob siya ng bahay . Nagkatinginan ang mga maid sa kitchen. " Sasagot o tatanggalin ko kayong lahat?" Pananakot niya. " Ah Ehhh .. Yung --- yung nasa bandang kanan mo po Lady Spica." Tarantang sabi ng isa sa kanil. " Ohhh ! Mukhang masarap ahhh !?" Saka inamoy amoy ito. " Osia, I'll bring this one for her." Saka kinuha at dahan dahang humakbang na. Halos di malunok ng mga katulong ang laway nila sa sinabi nito. Ramdam nilang may mali kung bakit ito nag presentang magdala nito. " Ah, Lady Spica. Ka--kami na po-- este ak--ako na po ang magdadala niyan baka makita pa po kayo ni Master at mapagalitan po kami." Napahinto naman si Spica. " Oh ?? So sakin di kayo takot na matanggal?" Saka sinamaan ng tingin ang mga ito. " Pagbigyan niyo nako. Gusto ko lang siyang batiin as the new member of this hell family." Saka ngumiti ng pagkatamis tamis na lalong ikinatakot ng mga katulong. Makalipas ang ilang minuto nakahanda na ang pagkain. Maya maya bumaba na ang daddy at ang madrasta niya. Mabilis naman siyang tumayo at pumalakpak. " Mabuhay ang bagong kasal !!!" Malakas na sabi ni Spica Saka niya binigyan ng pagkalapad lapad na ngiti. Tiningnan naman siya ng daddy niya ng masama pero sumaludo pa siya sa ama na tila nang iinis pa. Nang makaupo na ang lahat, tahimik na sinimulan na ang pagkain. Tanging kutchara't tinidor lang ang naririnig sa bawat kilos ng mga kamay nila sa plato sa buong mansion. Maya maya, dumating na ang pinakahihintay na scene ni Spica. Pasimple niyang sinulyapan ang katapat nitong madrasta na mukhang sarap na sarap sa jello salad habang tinititigan ito. Napangisi siya. Saka binilangan niya sa isip niya. Uno .. Dos .. Tress------ Biglang napatayo at napasigaw habang hindi na malaman laman ang gagawin. Mabilis namang nabahala ang ama niya at agad na lumapit sa asawang hindi na mapakali. " Ma-manghang!!" Tuluyan ng napasigaw. " Waterrr ! Give her a water. Now !" Mando ng ama niya sa tatlong katulong na nasa tabi. Nataranta naman ang mga itong napatakbo sa kitchen. Habang siya pigil na pigil sa paghagalpak sa tawa na napatayo at iniabot ang isang punong baso. " Tsk ! Tsk ! Tsk ! Here, delikado yan dad baka ikamatay niya." Habang nakapamulsa ang isang kamay niya. Bago kuhanin ng ama ang baso tiningnan muna siya ng masama saka iniabot na sa kanyang asawa at ininum nang biglang naibuga nito sa ama niya ang lahat nang nainom. Hindi maipinta ang mukha ng madrasta niya ng mag iwan ang asim sa kanyang bibig. At dun niya napakawalan ang isang malakas na tawa. " Hahahaha ! Heyy ? Kaya pa ba? Nagustuhan mo ba ang way ng pag welcome ko sayo MA'MA'??? Opps, In short of ikamamatay mo ang pag tira ditto s impyerno.” Di pa man natatapos ang sinasabi ni Spica nang dumagundong sa kabuoan ng mansion ang malakas na sampal mula sa mga kamay ng kanyang ama. "Enough Lara!" Bulyaw nito sa kanya. Napahawak sa pisnge si Spica. " Don't call me Lara. Si mommy lang ang pwedeng tumawag sakin niyan. " Saka siya tumalikod "Spica, wag mo kong tatalikuran kapag kinakausap ka." Napahinto siya. Saka napataas kilay siyang humarap sa ama. " Ohhh? Wooow ! Kinakausap mo pala ko sa lagay na yun? Last minute I heard sinigawan mo ko?" Sagot niya pero hindi pa din siya humaharap. " Hanggang kelan mo ko bibigyan ng kahihiyan sa lahat? Hanggang kelan ka maglalabas masok sa kulungan? Kelan ka mag papakatino? At hanggang kelan ka uuwi na may galos o sugat sa parte ng katawan mo?" Bulyaw ng ama. " Wohhhh? Shut up old man, you have no rights to asked me that question”. I will do whatever I want and wait, wag ka ngang mag paka tatay di bagay sayo. Atupagin mo nalang ang honeymoon niyo nyang bago mong asawa baka sakaling madagdagan pa ang kapatid ko sa labas." Saka siya tuluyang tumalikod at humakbang nang biglang may naalala siya. At sumigaw habang paakyat sa hagdan nang.. " Have fun to our hell house my dear step mom.” Sakai to pumalakpak at itinaas ang kanang kamay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD