PALABAS na ng clinic itong si Eros ay siya namang dating ni Spica na halatang hirap na hirap sa bigat ng dinadala nito. Napakunot noo naman itong si Eros na maaninag ang mukha ng lalaking nasa likuran ni Spica. Napadilat naman si Cyrus sabay dila sa kapatid at ngumiti saka muling ipinikit ang mga mata. Magsasalita na sana si Eros ng magsalita si Spica. " Nurse Weng, pa check naman po sa lalaking tu." Aniya ni Spica sabay baba kay Cyrus sa kama at dahan dahang pinahiga. Habang si Eros ay madilim ang mga matang nakatutuon ang atensyon kay Spica. " Teka---" Aniya ng nurse saka napatingin sa direksyon ni Eros at napatingin kay Cyrus. " Kagagaling lang dito ng kapatid niya tapos ngayon siya naman? Ano bang nangyayari? Tsaka bakit parang mas nabugbog yata ang mukha nito pati labi kesa sa kapa