" Charles, I can't take this anymore."
Sigaw ng isang magandang babae.
" Then you can leave this house right away !"
Bulyaw ng isang lalaki na nagsisigarilyong padabog na pumasok sa kwarto.
"Hindi. Hindi ka na talaga nahiya sa mga anak mo Labas masok na kayo ng mga babae mo sa pamamahay na tuh maging sa kwarto natin. Kahit di nalang sana para sa akin. Kahit para sa mga anak mo nalang sana. Sana nagtira ka ng kahihiyan at respeto sa ginagawa mong kaayupan----"
Umiiyak na sabi ng babae habang nag iimpake ito. Nang biglang hinatak ng lalaki ang babae saka sinandal sa pader at sinakal. Habang nakasilip sa nakaukang na pintuan ang dalawang mga bata na umiiyak na rin.
" Matagal na kitang isinusaka di ba? Bat di ka pa nuon lumyas. Di na kita kailangan."
Sigaw ng lalaki sa babaeng hirap na hirap nang huminga.
" No daddy !! Bitawan mo na po si mommy! Pleaaassse !!!" Umiiyak na sabi ng isang batang babae.
Pero tiningnan lang siya ng masama at sinigawan
" Lumabas kayo dito. Now !!!"
Bulyaw ng ama na hindi naman pinakinggan ng bata.
Mabilis namang sumugod ang isang batang babae.
" You, you must be the one to leave us ! "
Sigaw nito habang pinag sususuntok ang mga hita ng ama.
Pero tila ba walang naririnig ang ama.
" Please dad. Bitawan niyo na po si mom."
Pagmamakaawa ng batang lalaki habang nag iiiyak.
" Anu ba daddd ! Di na makahinga si Mommy. Sabing bitaw na.!"
Malakas na kinagat sa hita ng batang babae na naramdaman ng ama ang sakit. Kaya napsigaw ito at napabitaw sa asawa na nagkukumahog sa paghabol sa hininga.
" Mommm !!"
Mabilis niyakap ng batang lalaki ang ina. Lalapit na sana ang batang babae sa ina ng pigilan ng ama at hinampas sa pwet ng kanyang sinturon.
" Ikaw na bata ka huh? Wala kang galang. Dapat sayo ito."
Saka hinanpas ng paulit ulit ulit ang batang babae na nakapikit lang, matapang na hinaharap ang bawat hampas sa kanya ng ama niya ng sinturon at tahimik na umiiyak lang.
" Spica!! Gising. Gumising ka. Nananaginip ka na naman .. "
Pagyuyugyog sa katawan niya ng yaya niya.
" Mooo---mommmm !!! Br---Bryyyxxxx !! Mommmy !!!"
Saka napabalikwas na humahangos na napabangon at tumutulo ang mga luha nito.
" Apo, nanaginip ka na naman ba??"
Umupo sa tabi niya at saka hinimas himas ang likod.
Mabilis na napayakap si Spica sa Yaya nito habang tuloy tuloy na tumutulo ang mga luha.
" Yaya !!! Hanggang ngayon, di ko parin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni mom at ni Bryx."
Mahigpit nitong yakap sa Yaya.
" Shhhhh ! Apo, bat kasi ayaw mo pang tanggapin na aksidente lang ang nangyari nung araw na yun. Tanggapin mo na sana ng sa gayon matahimik na ang kaluluha ng kapatid mo at ng mommy mo."
Mahinahong sabi nito kay Spica.
" Aneee be? Gusto kong magswimming dito. Bakit ba?? Why I can't swim here ba???"
Bulyaw nito.
" Maam Lhaura, pasensya na po talaga. Di po pwe pwede talaga exclusive lang po talaga tung swimming pool kay Lady Spica."
Pag pipigil ng isang guard sa swimming area.
" Whattt the heckkk !!! As in sa kanya lang??? Panong naging kanya tuh? May nakaukit bang malaking pangalan niya sa swimming pool na tuh??"
Nagpapalingon lingon nito sa paligid na sabi.
" Hais, Maam. Pinasadya po talaga kasi tung swimming
area nuon po ng namayapang mommy ni Lady Spica."
Pagpapaliwanag ng guard.
" Oh ehh ! Namayapa naman na pala. Sinong magagalit pa. Sa lawak ng swimming pool na tuh nalalangoy nya------" Nang biglang may boses na nagsapit mula sa likod.
" Manong Bien, you can eat your breakfast na muna."
Utos nito na agad namang umalis ang guard.
" Ohhhhw, Tsk ! Tsk ! Bobo ka ba o sadyang zero IQ lng talaga ang meron dyan sa utak mo?"
Napapiling sabi ni Spica.
" Hell, Gusto mo ba talaga ng gulo?"
Sagot ni Lhaura.
" Well, hindi ako mahilig sa gulo pero sa gyera OO."
Nanlalaking mga matang sabi ni Spica.
" Nakakatawa ka naman, ang gara nga ng buhay mo, may napakagandang bahay, napakalawak na swimming pool, at maraming mga sasakyan pero tingnan mo yang sarili mo? Nakakaawa ka!! Dahil sarili mong tatay ay hindi kayang tanggapin ang baho ng pag uugali mo."
Nakatingin mula ulo gang paang sabi ni Lhaura.
" Talaga? Pero sa tingin ko ikaw ang mas may nakakaawang baho sating dalawa. You know why? Kasi may tatay ka naman pero nakikitawag ka sa tatay na hindi naman sayo, may bahay kayo pero nagsumiksik kayo sa impyernong palasyong tuh, may banyo ka naman sa kwarto mo pero heto nakikipag bangayan ka sa guard ko para makaligo lang dito."
Pagtataray ni Spica.
" Ang yabang mo. Parang swimming pool lang ipag dadamot mo. Kala mo naman mahihigop mo lahat ng tubig diyan."Sagot ni Lhaura.
" Eh kung ipahigop ko kaya sayo yang lahat na tubig sa swimming pool na yan?Tandaan mo. Lahat ng nakikita mo, nahahawakan mo, nakakain, at naaamoy sa pamamahay na tuh, ay pag aari ko lahat. Kaya kung ayaw mong ako ang magpalayas sayo itikom mo yang mabaho mong bibig at matutong sumunod sa mga bawal sa loob ng pamamahay na tuh."
Tatalikod na sana siya nang ...
" Ganun ba? Sorry huh masarap kasi ang bawal ii."
Napatingin ng matalim si Spica sa kanya. Saka lumapit ito kay Lhaura.
Halos one inch nalng ang pagitan ng mukha niya sa mukhq ni Lhaura.
" Subukan mong maligo dyan o kahit hibla manlang ng buhok mo ang mabasa niyang tubig, sisiguraduhin kong maliligo ka na sa sarili mong mga dugo sa susunod."
Bulong ni Spica habang nakangiti na nagpakilabot naman sa buong katawan ni Lhaura.
" Binabalaan mo ba ko?"
Sagot ni Lhaura.
" Hindi. Pinagbabantaan lang naman kita !!!"
Saka ngumiti ng pagkatamis tamis kay Lhaura at tumalikod.
" May isang swimming pool pa kami kung tawagin ko nung bata ako, kung gusto mo dun ka nalang. Kaso may makakasabay kang mga kauri ng nguso mo."
Saka tuluyang naglakad papalayo habang napapailing.
Ang tinutukoy nito ay ang matagal na nilang fish pond na mala swimming pool din niya ang lawak nito.
" AAAAAAAAAHHHHHHHHH !!!! Humanda ka saking babae ka. Humanda ka. May araw ka din saking brat ka."
Nang gigigil na napasigaw si Lhaura.
" Yaya ! Aalis na po ko. "
Pag papaalam nito sa yaya.
" Teka apo, di ka na ba mag uumagahan?"
Tanung ng Yaya.
" Di na po. Baka masuka lang ako sa hapag kainan. Sayang naman ang pagkain."
Walang emosyong sabi habang isinusuot ang sapatos.
Saka lumabas na ng kwarto.
Nasa may pintuan na siya ng.
" Spica, isabay mo na tung si Lhaura."
Napakunot noo si Spica nang marinig ang mga linyahan ng ama.
" Whatt ? Don't tell me?"
Napaharap siya sa ama na nuon ay katabi na ang nakangiting nang aasar na si Lhaura suot suot ang unipormeng katulad ng suot niya.
" Isabay mo na siya di kasi siya mahahatid ni Mang Bien gawa ng may lalakarin siya. Ihahatid din ako sa work ng isa pang driver kaya ikaw na muna ang bahala. Tsaka simula ngayon sa school mo na siya mag aaral. Kaya ingatan mo siya dun alam mo namang sikat yan kaya madalas mapagkakaguluhan."
Utos ng ama sa kanya.
" Woooh !!! Nagpapatawa ba kayo??Talaga lang huh? !!Sana nagawa mo rin yan sakin. Anyways, kaya kaya na naman niyan mag isa kumpleto pa naman ang paa at kamay niyan tsaka may ulo naman siya ewan ko lang kung may utak yan para magkaron ng sense of direction papuntang school. O di kaya ikuha mo nalang ng driver or ibili ng sasakyan at bigyan ng isang batalyong magbabantay dyan para safe siya sa mga bashers este fans niya."
Saka siya tuluyang umalis papunta sa parking lot ng mga sasakyan nila at saka pinili ang pinakamamahaling big bike nito.
SA bilis magpaharurot ng sasakyan ni Spica halos ilang minuto lang ay nakarating na agad ito sa Stella University.
" Si Spica .. Andito na !!" Tumabi biliiiisss !" Bilissss !!!"
Nagsisisigaw na humahangos sa pgtakbo ang isang nerd na lalaking pumasok sa gate.
" Si SPICAAAAA ! Bilissss tabi .."
Sigaw nang isa pang estudyante.
Halos magkandarapa ang mga estudyanteng nasa labas para tumabi ng makitang paharurot napumapasok ng gate si Spica.
Habang dumadaan siya sakay ang kulay itim na big bike ang lahat naman ay parang mga maaamong tupang nakayuko at naka hilira sa tabi hanggang sa tuluyan ng mawala ang anino ng Spica sa mga mata nila.
" Hoooo ! Sana naman maging mabait ang araw ni Spica ngayon."
Saad ng isang grade 11 na lalaki.
" Pagnagkataong hindi maganda ang araw tsak damay damay lahat."
Dagdag naman ng isang grade 12 na babaeng estudyante.
" Guys, I have a good news. Yung sikat na model sa buong mundo. Si Lhaurabelle Montevega?? Alam niyo bang dito na siya mag aaral?"
Halos matahimik ang lahat sa pag ka mangha ng marinig nila an balita.
" Ayos !! Kahit papano mababawi ang kasamaang palad natin kay Spica dahil sa isang mala dyosang katulad ni Lhaurabelle."
Saad ng 1st year college na lalaking kasing lapad ng araw ang ngiti.
" My gossssh ! I can't wait to see her na. Mag papa autograph talaga ako."
Halos mamatay naman sa tuwa ang dalagitang grade 10.