DIRETSONG tinungo nila ang isang resto upang duon mag tanghalian. Habang kumakain silang tatlo ay binasag naman nitong si Stacie ang katahimikan. " Teka bitchfreny pano ka ba nakulong? Wala ka naman kasala---Aray !" Hinampas ni Spica sa ulo ng tinidor si Stacie bago pa man nito matapos ang sasabihin. " Sino ba ang tumawag ng pulis?" Tanong niya sa kaibigan. " Teka? Ako ba ang tumawag ng puli---Aaaray ! Spica naman bibiyakin mo ba ulo ko." Angal na napapahimas himas sa kanyang ulohan itong si Stacie. " Yang kabobohan mo't katangahan wag na wag mong pag iisahin nakakatakot. Baka tuluyan na akong makapatay ng kaibigan. " Sambit ni niya kay Stacie. Sa totoo lang kahit ganun siya sa kaibigan niya, minsan matatawa nalang siya sa pag uugaling meron ito. " At ikaw !!" Pag tutukoy niya sa kapa