NASA KALAGITNAAN SI Melannie nang pagdidilig ng mga halaman ng amo nang marinig niyang may sumitsit sa kaniya. Mabilis niyang hinanap ang pinanggagalingan noon at napangiti siya nang makita si Eric sa labas ng gate. "Oh, Eric, anong ginagawa mo riyan?" nahihiwagaan niyang tanong sa lalaki kapagkuwan ay pinatay ang hose at inilapag iyon saka lumapit kay Eric. "Hindi ka ba busy?" "Hindi naman, Melannie. Kakahatid ko lang sa amo ko sa kumpanya niya. Tapos mayamaya ay ihahatid ko naman iyong binatilyo niyang anak sa eskuwelahan. Nga pala, kumusta ka na? Ilang araw rin tayong hindi nagkita at nagkausap." Ngumiti si Melannie rito—pero ang totoo'y peke lang iyon. "Ayos lang naman ako, Eric. Medyo naging abala ako. Marami akong ginawa sa loob," tugon niya kahit wala namang katotohanan ang mga i