START
Twenty two years old pa lang si Cassius noong araw na dumalaw siya sa isang ampunan para mag-donate lang sana ng mga pagkain at school supplies sa mga bata.
Pero nang paalis na siya, hindi niya inaasahan ang bigla na lang pagtakbo papunta sa kaniya ng isang walong taong gulang na batang babae at bigla siyang hinarangan.
“Manong, ako po si Lorelei! Ampunin niyo na lang po ako!”
Biglang siyang napahinto at nagulat sa biglang pagsulpot ng bata.
“Magaling po akong kumanta! Magaling din po akong sumayaw! Marunong din ako maglinis! Marunong ako sa lahat, Manong!”
Hindi na napigilan ni Cassius ang matawa sa narinig na pagtawag sa kaniya. Manong? Parang ang badoy yata sa pandinig.
“Naku, ang bibo mo namang bata.” Natawa niyang ginulo-gulo ang buhok nito. “Sige na, pumasok ka na roon sa loob at kumain. May dinala kaming pagkain para sa inyong lahat.”
Ngunit imbes na umalis ang bata ay umiling lang ito.
“Ayoko po ng pagkain. Gusto ko po ampunin niyo na lang ako. Doon na lang sa bahay niyo kakain.”
Muli ay natawa si Cassius, pati ang kasama niyang staff ay natawa na rin.
“Alam mo, hindi pa ako gaano katanda para tawagin mong manong. Sige na, pumasok ka na roon. Baka mapagalitan ka pa rito sa labas—”
Nagulat na lang si Cassius nang biglang yumapos ang bata sa isa niyang paa.
“Manong, mabait kayo, ’di ba? Ampunin niyo na lang po ako, please? Ayoko na po kasi dito, inaaway nila ako lagi. Isama niyo na lang po ako, please?”
Napakurap si Cassius at hinawakan na ang braso ng bata para sana baklasin sa pagyapos sa kaniyang paa, pero mas lalo lang nitong hinigpitan.
“Promise po, magpapakabait ako sa inyo. Marunong po ako maghugas ng plato. Marunong ako maglinis ng sapatos. Araw-araw ko po lilinisan ang sapatos niyo!”
Muli ay natawa si Cassius, klase ng tawa na pilit lang dahil hindi na alam ang gagawin. Hanggang sa sinenyasan na lang niya ang isa sa mga staff niyang kasama para alisin ang bata sa pagyakap sa kaniya.
Pero bago pa makalapit ang staff ay isang madre na ang nagmamadaling tumakbo palapit.
“Lorelei! Anong ginagawa mo sa bisita? Halikan rito!”
“Hindi, ayoko na sa inyo!” marahas na pag-iling ng bata at piniksi ang kamay ng madre bago muling yumakap ng mahigpit sa paa. “Sige na po, Manong! Parang awa niyo na po! Palagi nila akong pinapalo dito sa ampunan! Kagabi pumasok ako ng kusina kasi nagutom ako, kinain ko ang bahaw na kanin. Pero pinagpapalo ako ni sister Marie!”
Nanlaki ang mga mata ng madre. “Aba hoy, tumigil-tigil ka ngang bata ka! Huwag kang gumawa ng kwento na wala namang katotohanan!” Marahas na nitong binaklas ang braso ng bata.
Pero hindi naman nagpatinag ang bata at mas lalong yumakap kahit umiiyak na.
“Stop it.” Hindi nakatiis si Cassius at pinigilan niya ang braso ng madre.
Napahinto naman ito at napatingin sa kaniya. Pero patapon na niyang binitiwan ang kamay at pumantay na siya sa bata.
“Nagsasabi ka ba ng totoo? Ayoko sa batang sinungaling.”
Pasinghak-singhak namang tumango ang batang si Lorelei. “Totoo po—”
“N-naku, sir, huwag kayong makinig sa batang 'yan. Hindi totoo ang sinasabi niyan. Mahilig 'yan gumawa ng kwento kahit napakabata pa—sinungaling na,” mabilis na pagkontra ng madre na parang nabahala na.
“Hindi ako nagsisinungaling,” agad namang depensa ng bata na ngayo'y naiiyak na, at hinawi na nito ang manggas ng suot na sweater. “Heto po oh, kinurot niya po ako. At meron pa po sa hita. Hinampas niya din po ako ng walis kasi nakalimutan kong tumulong kahapon sa paghuhugas ng mga plato.”
Parang hindi na makapaniwala si Cassius nang makita ang mga pasa sa braso ng bata. Nang tingin niya ang kabilang braso ay meron din, at halos kulay ube na parang may pagka-green na.
Nang mapatingin siya sa madre ay napalunok na ito at parang namutla na, pero bahagya pa rin itong natawa para ikubli ang kaba.
“Naku, sir, nadapa lang po 'yan. Malamang doon niya nakuha ang pasa niyan sa mga kalaro niya—”
“Stop talking. I don't want to hear your lies.” Mabilis niyang tinabig ang kamay nito sa paghawak muli sa bata.
“Please po, isama mo na lang ako, Manong.
Bumalik ang tingin ni Cassius sa bata na ngayon ay patuloy na ang pag-iyak sa harap niya at pagmamakaawa.
“Kapag umalis ka na po, siguradong papaluin niya ako ulit at dadami ang mga pasa ko. Masakit pa po 'yong iba, hindi pa gumagaling.”
Parang biglang naawa si Cassius sa bata at marahan na pinunasan ng kaniyang panyo ang mga dumaloy na luha sa pisngi nito.
“Stop crying now.” He let out a sigh and turned to the nun again. “How dare you hurt the innocent child. Asahan niyo ang pagdating ng mga pulis dito mamaya.”
Nanlaki ang mata ng madre at parang tinakasan ng dugo sa katawan.
Cassius then lifted the child into his arms and smiled. “Alright, from now on, I want you to call me Daddy.”