CHAPTER 16 GWYNETH's POV: (JANETH) "Kailan pala ang day off ko? Puwede bang sabihin mo na sa akin ang mga kailangan kong gawin para hindi na masayang ang oras nating dalawa," suhestyon na turan ko sa lalaki nang matahimik kami. Matapos ko kasing tarayan si Mr. David ay hindi na ito umimik pa at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan para mabasag ang katahimikan. Hindi kasi ako sanay na walang ingay na nabubuo sa loob ng kanyang sasakyan. Naisip ko rin na mas makakabuti nga kung itanong ko na yung mga bagay na kailangan kong malaman para kapag nando'n na kami sa bahay niya ay hindi na ako masyadong tatanga-tanga. "Hindi ka pa nga nagsisimula ng trabaho mo, day off na kaagad ang iniisip mo. Pambihra ka," ani nito hudyat upang makipagsagutan na naman ako