CHAPTER 9 David's POV: "Is this our new home, daddy?" bigkas ng anak kong si Darryl nang makapasok kami sa bagong bahay na aming pansamantalang tutuluyan. Hindi naman ito pag-aari namin. Nirentahan ko lang ito dahil hindi naman kami magtatagal sa ganitong lugar. Nais ko lang tutukan ang aking kontrata at nais ko ring gawin itong hakbang para unti-unti akong makalimot sa nangyari kay Gwyneth. Ginawa ko na ang lahat nang makakaya ko para hanapin ang aking asawa. Kaya ngayon, hinayaan ko na lamang muna ang mga pulis na mag-imbestiga — dahil kailangan ko na ring bumalik sa trabaho. Hindi ko naman magawang lapitan ang ama ni Gwyneth para humingi nang tulong sa kanya — sapagkat malaki ang galit no'n sa akin. "Pansamantala anak... Pansamantala ang pananatili natin dito... Nagustuhan mo ba?