CHAPTER 14 GWYNETH's POV: (JANETH) MAGNANAKAW. Ganyan ako kung ilarawan ng antipatikong lalaki matapos kong mapulot ang pitaka niya sa kalsada. Hindi ko siya sinusundan. Sadyang dinala lang ako ng paa ko rito sa may kanto. Hindi ko rin naman inaasahan na makakakita ako ng wallet. Sadyang malinaw lang ang aking mata kaya nagawa ko itong pulutin. Nang buksan ko ang pitaka ay nasilayan ko ang makakapal at limpak na pera mula sa loob nito. Kaya agad ko ring tiningnan ang i.d para malaman kung sino ang nagmamay-ari ng wallet. Nang mabasa at masilayan ko ang pangalan at litrato ng i.d ay dito ko naisipan ko na kumuha ng walong libo. Napagtanto ko na ngayon lang kumampi sa akin ang tadhana dahil yung pitaka ay pagmamay-ari mismo ng lalaking antipatiko na si David. Oo, ang taong hinarang ko s