Sinimulan kong bumuo ng plano sa isip ko sa kung papaano ko papatayin ang kaibigan ko nang iwan niya ako dito sa sala kasama si Mykolas. Matapos niyang payagang manatili rito ang lalaking ito ay tumakbo na siya tungo sa kuwarto niya. Sa susunod siguro na gagamitin ni Mykolas na panakot sa akin si Jaica, wala na akong pakialam. Kung sasabihin man niya na papatayin niya ito, hahayaan ko na lang. I feel so f*cking betrayed by my own best friend! "Seems like I'm not the only danger in Jaica's life now," the devil said. Marahas kong ibinaling sa kanya ang ulo ko at masama siyang tinitigan. Mukhang napansin niyang minu-murder ko na ang kaibigan ko sa isip-isip ko. "Ano ba kasi ang ginagawa mo dito, Mykolas?" Iritado kong tanong saka sinubukang bawiin ang kamay ko na hawak niya. Kaya hindi