I waited for Mykolas' text that afternoon. After thirty minutes, nag-text naman siya at sinabing puwede na akong umalis doon. Sinabi rin niya na dumiretso na ako ng uwi sa apartment at huwag nang pumunta sa kung saan-saan pa. Sinungaling rin ako kung sasabihin ko na hindi ako nag-expect ng imbitasyon mula sa kanya na sa penthouse niya ako dumiretso noong araw na iyon. Ang kaso nga lang ay wala siyang sinabi na gano'n. Umasa rin ako na pupuntahan niya ako sa apartment kinagabihan ngunit hindi siya dumating. Hindi rin siya nag-text o tumawag kaya hinayaan ko na lang. Ngunit malakas ang kutob ko na may kinalaman ang hindi niya pag-uwi sa akin doon sa lalaking nakausap niya sa coffee shop. At kahit wala akong impormasyong nakuha kay Mykolas tungkol doon, alam kong ako at iyong taxi driver a