HANGGANG sa makarating kami sa isang lugar na halos puro puno ang makikita. Ngunit meron isang malaking bahay na naka tayo sa gitna ng mga nag tataasang puno. Maganda at malaki ang bahay at halatang bago pa ito, ngunit nasa kalagitnaan ito ng kagubatan. Mabilis din akong kinaladkad ni John, pababa ng kotse nito, at sapilitan na ipinasok sa loob ng malaking bahay. Tuloy-tuloy pa rin nya akong hinila sa loob, hanggang sa bumaba kami sa isang hagdan na pababa ng basement. Mabilis din nya akong kinaladkad patungo sa loob ng Basement at pasalyang ipinaupo sa isang upuan. Nakaramdam ako ng pananakit ng aking puson, kaya naman nahilot ko ang aking puson. Halos hindi na rin maipinta ang mukha ko dahil sa nararamdaman kong paninigas ng aking puson. Sobrang nag-alala na rin ako sa aking di
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books