“W-What?” Nauutal kong sabi. Para akong nabingi sa huling sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. Masyado namang straightforward ang lalaking ito. Hindi man lang nagpaligoy ligoy. Hindi ko inaasahan na iyon ang isasagot niya. Nabigla tuloy ako at hindi naihanda ang sarili. Mygod Miru, parang hindi ka naman ganito dati. Ngumisi ito na siya na namang nagpaabnormal sa t***k ng puso ko. “Gusto mo ba talagang ulitin ko ang sinabi ko sayo?” Miru, kumalma ka nga. Hinga ng malalim. Huwag kang papadala sa mga sinasabi ng lalaking nasa harapan mo. Masyado siyang mapanlinlang. He’s not good for you. “Huwag na. Alis na ako.” Kailangan ko na talagang umalis dito dahil kung hindi baka madala ako ng mga ngiti at pagngisi niya. Hindi ko pa makontrol ang sarili ko. Ano ba talagang nangyayari sakin? All of