bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

book_age18+
90.8K
FOLLOW
431.0K
READ
pregnant
CEO
drama
bxg
single daddy
abuse
poor to rich
nanny
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

Warning: SPG / R-18 / Mature Content.

"Dad! kailan po ako magkakaruon ng bagong mommy?

"Malapit na anak."

"Lagi naman eh, kaya lang lahat naman sila ay hinihiwalayan mo."

***

My son is right, dahil mula ng mamatay ang mommy nito ay hindi na mabilang ang mga babaeng napa ugnay sa kanya. Sadly hindi sila umaabot sa salitang kasal.

***

"Again dad? iniwan mo nanaman? "

"Sorry anak, failed nanaman eh, kakamot kamot na sagot sa pitong taong gulang na anak.

"How about my Nanny, mabait na maganda pa."

"Si Sunshine?" Napatawa siya sa anak kung bakit sa dinami-dami ng babae ay ang nanny pa nito.

chap-preview
Free preview
Prologue
AUTHOR NOTE: Sa mga readers po na ayaw ng may wrong grammar, hindi po dumaan sa editing ang story na ito, kaya nasa inyo po kung babasahin niyo o hindi. Marmaing salamat po. --- "Ano ba! Hindi porket gwapo ka at de kotse ay sayo na ang kalye! Sa dinami dami ng sasagasaan mo ay ang paninda ko pa talaga? Bayaran mo ito kung ‘di ay uumbagin kita!" Gustong matawa ni Jake sa katapangan ng babae. "Anong tinitingin-tingin mo riyan? Akina ang bayad sa lahat ng mga sinira mo! Bilis dukot na! Ang ganda pa naman ng wheels mo! Kilos na ano ba! Ang bayad!" Napilitang bumaba ng sasakyan si Jake at nilapitan ang babaeng nanggagalaiti sa inis. "Ah miss ano kasi." "Hoi Mr. Pogi! Hindi mo ako madadaan sa papogi effect mo! Ang bayad ko sa lahat ng ito!" Nakasahod ang kanya palad pero sa halip na inabutan siya ng pera ay hinawakan lang iyon at may nilagay na calling card. "Sorry Miss pero wala akong cash ngayon." "Ano raw? Oh sheyte! hindi maaari! huwag mo akong lokohin Mr. Pogi! Ang ganda ng kotse mo tapos wala kang cash? Ipapapulis kita pag hindi mo ako babayaran ngayon!" "Hindi ako maaaring magtagal Miss may importante akong meeting ngayon. Please call me anytime but not today dahil gabi na ako matatapos. Bye for now, hihintayin ko ang tawag mo para mabayaran kita." "Aba't grrrr!" Walang nagawa ang pagtutungayaw niya ng humarurot ang kotse ni Pogi. "Paksheyte! Makita lang kita uli talagang babasagin ko yang ka gwapohan mo!" "Oh sinong kaaway mo ineng?" "Ah, si Mr. Pogi po Inang, ang walang hiyang iyon. Sayang lang at mukhang mayaman ay wala naman pa lang pera! huh!" "Baka naman totoo ang sinasabi niya?" Natatawang sagot ng ginang. "Iyon na nga po eh, bukas wala akong ititinda dahil nasira lahat ng kolokoy na 'yon. Patay ako kay tiyong nito sigurado hindi naman ako pakakainin non." "Ano ba itong papel na ito hindi muna ba kailangan? Hindi mo man lang yata ito binasa." "Ah binigay yan ni Mr. Pogi sabi tawagan ko siya anytime dahil busy siya ngayon. Pero nagsasayang lang ako ng load, alam kong hindi din ako babayaran non. Kaya itapon muna po iyan Inang." Naiiyak siya habang pinupulot isa isa ang mga nabasag na paninda. Wala talagang nakaligtas lahat ay basag. Malaking problema niya ito kong paano mamaya pag uwi niya ng bahay. Kamay ng may idad na babae ang nagpalingon sa kanya. "Gusto mo pahiramin muna kita iha?" "Talaga po?" "Oo pero ibabalik mo din agad pag nabayaran ka ni Pogi." "Naku Inang walang kasiguraduhan po iyon. Sigurado na driver lang iyon at wala ring pangbayad. Sige salamat na lang po Inang huwag na at wala din akong ibabayad eh. Maglalaba na lang ulit ako para makabili ng panibagong paninda. Ang problema ko lang ay si Tiyong at sigurado mamaya ay sa sahod na naman ang kamay non at wala akong ibibigay." "Hay kawawa ka naman iha. Kung may extra lang ako dito ay bibigyan kita." "Okay lang po ‘yon Inang, sige po aalis na ako at mag ingat kayo. Baka matatagalan na ulit akong makapag tinda. Pag nakahanap na ako ng puhunan ay babalik agad ako." "Sige iha mag iingat ka rin," nasundan na lang ng tingin ang papalayong dalaga. Naawa siya dito pero katulad din nito ay wala din siyang ibang makukuhanan ng pera. Lumipas ang mga araw pero wala man lang tumawag kay Jake. "Ano na kayang nangyari sa babaeng matapang na yon?" Napapailing na lang pag naalala ang mukha ng babae at ang nakakatuwa nitong katarayan. Nagkataon naman na wala siyang cash ng araw na iyon, naawa siya at nahihiya dahil sa nangyari. Sunday kaya niyaya ang anak na si Justin. Nakasanayan na nilang mag ama ang lumabas pag ganuong araw. "Anak magsimba tayo doon sa may Baclaran." "Po? Magsisimba? Bakit doon pa Dad, ang layo kaya doon at ang gulo." "Oh bakit alam mo ba ang lugar na iyon?" "Pinapanood ko sa tv, marami daw doon na snatchers." "Hindi naman tayo lalakad anak, saka may mahalaga tayong dadaanan sa may lugar na iyon." "Sino po? At bakit doon pa? "Kasi nga last week napabanda ako doon at naka disgrasya ako ng mga paninda. Kaya lang wala akong cash that time, kawawa nga ‘yong ale na matapang. Hindi ko nabayaran ang paninda niya. Hindi naman kasi niya ako tinawagan, nagbigay naman ako ng calling card.” "Daddy, syempre po iisipin non na inisahan mo lang siya. Sinong maniniwala na wala kang pera sa ganda ng kotse mo." At natatawa siya sa Ama, kahit kailan talaga itong Daddy niya ay slow. "Anak, puro ka kalokohan halika na." Natawa na rin siya, ito talaga ang anak niya ay napaka galing mag isip. Habang nagdadrive ay hindi maiwasan ni Jake na maisip ang kalagayan ng mga maralita. Ang mga nagtitiis na magtinda sa ganitong lugar. Tapos nasagasaan pa niya ang isang 'yon, kong hindi naman niya iyon ginawa ay isang bata ang siguradong naipit niya. Nang marating ang lugar ay huminto sila at nag palinga linga siya. Wala na roon ang babae, iba na ang naka pwesto sa lugar nito. "Misis, magandang araw ho, itatanong ko lang kung nasaan ang babae na dating nagtitinda riyan?" "Ah si Sunshine? Wala na siya mula pa noong nadisgrasya ang mga paninda." "G-ganun po ba? Saan po ba ang bahay ni Miss. Sunshine?" "Ay hindi ko din alam iho, pero ang sabi niya ay mag lalabada daw siya diyan sa subdivision. Bakit mo nga ba hinahanap ang batang yon?" "Ah w-wala naman ho," nakakahiya kong sasabihin niya na siya ang sumagasa kay Sunshine. "Pero nangako naman ang batang yon na babalik pag mag kapuhunan daw ulit siya. Hindi din makakauwi sa kanila iyon dahil kakastiguhin ng amain." Parang may tumutusok na karayom sa puso ni Jake sa kaalamang sinasaktan pala ang babaeng yon. Lalo na siyang naku konsensya sa mga nangyari. "Ah Misis saan po ba ang main gate ng subdivision na iyon?" "Umikot kayo sa kabila at naroon ang guard house. Magtanong na lang kayo doon dahil sa pagkakaalam ko ay nag iiwan ng id ang mga outsider na pumapasok. Baka mahanap ninyo si Sunshine roon." "Sige po salamat." "Daddy bakit hahanapin ba natin si Miss. Sunshine?" "Oo anak, kawawa naman iyon, sinasaktan pala ng tiyuhin pag walang maibigay na pera." "I see, sige gusto ko din siyang makita. I think she is beautiful Sunshine," sabay hagikhik niya. "Anak ano ba ‘ang naiisip mo? At nahawa na rin siya sa tatawa tawang anak. "Who knows pwede ko siyang maging Yaya. Para hindi na siya maglalaba pa at may utang ka sa kaniya daddy, dapat bigyan mo siya ng work." Napaisip siya na tama ang kaniyang anak bakit nga ba hindi. Nag saludo pa sa kanila ang mga guard na naroon. "Guard, hindi kami papasok may gusto lang akong tanungin?." Hinugot ni Jake ang kaniyang id at ipinakita sa Guard. "Mr. Montemayor kayo po pala ano hong lakad ninyo?" "Itatanong ko lang kong may pangalan na Sunshine diyan sa log book ninyo?" "Bakit ho ninyo hinahanap ang taong ito? May atraso ho ba sa pamilya ninyo?" "Wala naman, kailangan ko lang siyang makausap. May pagkakautang kasi ako sa kaniya na dapat kong bayaran." "Naku Mr. Montemayor mapagbiro pala kayo. Sa pagkakaalam ko ay isa kayong mayamang negosyante. Papaano kayo nagkautang sa isang labandera?" Napansin ni Justin na naiinip na ang kaniyang ama, kaya nakisabat na siya sa usapan. "Ah guard Miss. Sunshine is my Yaya at may ilang buwan na sweldo siyang hindi pa nakukuha. Kaya namin siya kailangan makausap dahil aalis kasi kami ng daddy ko patungong Baguio at matatagalan na kami bago bumalik ng Manila." "Oh sige po sir at tatawagan ko lang ang residence Villamor. Doon po naglalaba si Miss. Sunshine." "Sige salamat,” saka siya bumalik sa loob ng kotse. "Ayos ba daddy?" "Approve na approve anak." "Sir, paki hintay na lang ho at tamang tama tapos na din pala sa paglalaba si Miss. Sunshine. Palabas na ho siya o kong gusto ninyo ay pumasok na kayo. Diyan ho iyon dadaan, sa kalye na yan diretsuhin n'yo lang at baka nakasalubong na ninyo." "Sige salamat." "Wala pang dalawang minuto ay natanawan na nila ang babaeng naglalakad." "Wow she is pretty, kaya pala gusto mong hanapin Dad eh." "Ha? Anong sinasabi mo anak?" "Ganda niya kaya Dad ayan siya oh!" Natigilan din si Jake ng mapagmasdang mabuti ang babaeng palapit. Simpleng loose t shirt ang suot nito at skinny jeans na naka suot ng manipis na sandals. Totoong may kakaibang ganda nga ito, agad na huminto sila at binuksan ang bintana. "Ikaw?" "Miss. Sunshine please get in." "At bakit ako sasakay sa kotse mo! Hindi mo nga ako binayaran eh! Dito ba ang bahay mo?" "Miss. Pretty, come inside kasi mainit po ang sikat ng araw." Napahinto sa pagtataray si Sunshine ng namataan ang batang lalaki na tumawag sa pangalan niya. Nakaramdam agad siya ng hiya lalo pa at pinagmamasdan siya nito mula ulo hanggang paa.. "Ah eh h-hindi na, mag lalakad na lang ako." "Get in!" Napahinto sa paglalakad si Sunshine at ngayon lang niya napag tuunan ng pansin ang boses nito. Ang baritone voice ng lalaki at napaka lamig non, seryoso rin ang mukha ng lingunin niya. "Sakay at ibibigay ko sayo ang bayad ng lahat ng nasira. Hindi ako tatayo sa gitna ng kalye para diyan tayo mag bayaran!" Para namang napahiya si Sunshine kaya napilitang sumakay. Instead na tumabi siya sa unahan ay doon siya pumasok sa likuran. Nakangiting mukha ng bata ang sumalubong sa kaniya. "Miss. Sunshine, huwag mong sungitan ang daddy ko. Totoo po na wala siyang cash that time kaya hindi ka nabayaran. Hinintay niya ang tawag mo pero hindi ka naman tumawag." "S-sorry, akala ko kasi ayaw lang niya akong bayaran. Ang ganda ng kotse tapos walang pera." Napatungo siya sa sobrang hiya, hindi niya alam pero kakaiba ang titig ng bata sa kaniya. "Do you want job?" Tanong ni Justin sa babae. "Ha? A-anong trabaho ba yon?" "I hire you as my Yaya and you stay with us. Dito sa Manila o sa Baguio even pag nasa ibang bansa kami ni Daddy. Wala na akong Mommy, kaya i want you to be with me." Si Jake ay nanatiling tahimik hinayaan niya ang anak. Matalino ang kaniyang si Justin at marunong itong bumasa ng isipan ng mga nakapaligid dito. "Po?" Tumingin siya sa ama nito at seryoso ang mukha na nakatingin din sa kaniya. "Narinig mo ang sinabi ng anak ko hindi ba? Kung willing kang magtrabaho sa kaniya ay sumagot ka agad ngayon." "A-ang bilis naman." "Ayaw mo ba?" "H-hindi naman sa ganon kaya lang kailangan ko pang tapusin ang paglalabada ko kay ginang Villamor." "Sa bagay na yan ay ako na ang bahala. If you want to be with us you can decide now? This week babalik na kami ng Baguio." Naramdaman ni Sunshine ang maliit na kamay na humawak sa kaniyang palad. At ng lingunin niya ito ay nakatitig sa kaniya ang maamo nitong mga mata. "Say yes please." Para siyang kinurot sa puso sa munting pakiusap nito. "S-sige p-payag na ako." "Okay, let's go to Misis. Villamor house kakausapin ko siya." Seryoso parin si Jake habang nakatingin sa babae. Napatango na lang siya, gusto niyang isiping isang panaginip lang ang lahat ng ito. Pero ng kurutin niya ang sarili ay hindi siya nananaginip. Totoo ang lahat ng nangyayari sa kaniya ngayon. Agad na bumaba siya ng huminto ang kotse at nag doorbell. Isang may edad na babae ang lumabas at naka pamewang. "Oh, uutang ka? Wala! Hindi kita bibigyan dahil kakasimula mo pa lang last week!" Nakaramdam ng inis si Jake kaya napilitang lumabas ng kotse. "Ah Misis mawalang galang na ho. Pero nagpunta siya dito para magpaalam. Aalis na kami patungong Baguio at hindi na siya mag lalaba sa inyo." "At sino ka naman? Hindi maari wala pa siyang makakapalit. Kailangan niyang magbigay ng one month notice!" "Kung aalis ba siya ngayon anong mangyayari?" "Tatawag ako ng pulis, isa pa may utang siya dito." "Call the police, if you want and how much is the credit?" "Hoi Mister huwag mo akong pasikatan!" " Jake Montenegro Montemayor ang pangalan ko." Inabot niya ang kanyang calling card sa napamulagat na ginang. "Naku bakit naman hindi ninyo agad sinabi kong sino kayo. Sige maari na siyang umalis at wala naman siyang utang sa amin." Nagpalipat lipat ang tingin ni Sunshine sa dalawa. Hanggang tumalikod na lang ang lalaki at napilitan siyang sumunod dito. "P-paano mo napapayag? B-bakit biglang bumait?" "Miss. Sunshine look this,” Singit uli ni Justin saka ipinakita ang hawak na tablet. Halos namutla si Sunshine ng makita at mabasa ang laman ng tablet. Kulang na lang ay lumubog siya sa kinatatayuan sa sobrang kahihiyan. "Oh my God he is Montemayor nga at isa sa mga billionaire heir. Hindi lang iyon tagapagmana din ng mga Montenegro. Tapos minura-mura lang niya “oh shey te nakakahiya paksyet naman oh!" "Why are you blushing Miss. Sunshine?" Tanong niya sa namumulang babae. "W-wala naman p-po." "Bakit ka namomopo sa akin?" Matanda na ba ako Miss. Sunshine? Saka malakas na tumawa. "S-sorry Mr. Montemayor, p-pasensya na po talaga." Baling niya sa Ama ng bata. "It's okay, don't mention it." Kahit sobrang lamig ng loob ng kotse ay pinawisan siya. Buo-buo rin ang pawis niya sa noo at pakiramdam ay sinisilihan sa init ng kaniyang mukha. "Relax, do you want water?” "Hey! Miss. Sunshine bakit ganyan ang itsura mo? Are you not feeling well?" "Here, the water drink it para mawala ang kung ano na nararamdaman mo." Para siyang ginigisa ng mag Ama sa kakasalita ng mga ito sa kaniya. Halos maubos niya ang isang bote ng mineral. "Now we need to go in your house para makapag paalam ka sa parents mo." "Naku huwag na ho, wala na akong mga magulang tanging ang tiyuhin ko lang po ang nasa bahay at hindi na kailangan na magpaalam pa ako." "Bakit? Paano kung hanapin ka niya?" "Ah eh hindi ho ako hahanapin non, p-pinalayas niya ako noong wala akong naibalik na pera at paninda." Nakatitig si Jake sa mukha nito gamit ang rear mirror. Kusang nagtungo ng ulo si Sunshine at naunawaan naman niya ito. "Eh, saan ka naka-stay this weekend?" "D-doon sa k-kaibigan ko." "Saan yon ituro mo ang address at pupuntahan natin para makuha mo na din ang mga personal belongings mo." "Ah eh huwag na ho, ako na lang ang pupunta doon. Ibigay na lang ninyo ang address sa bahay nyo. Mamayang hapon ay darating ako." "Sugurado kaba?" "Y-yes p-pangako po darating ako." "Sige saan kita ibaba?" "Diyan na lang ho sa may LRT." "Okay." Matapos mag pasalamat ay nagmamadaling bumaba na si Sunshine. Walang lingon-lingon na nagmamadaling naglakad. May gustong malaman si Jake kaya palihim na sinusundan ang babae. Gusto niyang matiyak na hindi sila nagkamali ng kaniyang anak. Nagtataka siya kung bakit sa halip na sumakay ay binaybay nito ang ilalim ng tulay. May mga ilang kalalakihang tambay na gustong harangin ang babae. Pero malaki ang hakbang nito. Kaya ng makalampas ang babae sa tatlong lalaki ay huminto siya. Naglabas ng pera at bahagyang binuksan ang bintana. Inilabas rin niya ang kaniyang baril sakaling gagawa ng hindi maganda ang mga iyon. Tinawag ang tatlong lalaki at pinalapit niya sa kanila. "Ano yon bossing?" "Kilala nyo ba ang babaeng yon?" "Yes bossing pero isang linggo palang yang nakatira diyan sa ilalim ng tulay." "Sigurado ba kayo na diyan siya nakatira? Sinong kasama niya riyan?" "Wala bossing at delikado ang kalagayan niya riyan. Baka bukas-bukas ay mapagsamantala han na 'yan diyan." "Magbibigay ako ng pera para tulungan nyo siya dahil mamayang hapon ay aalis na siya riyan. Pakihatid ninyo siya sa sa gate ng Forbes at huwag kayong pagkakamali na lukuhin ako! I give you some money, doon mismo sa guard house at 4PM ay dapat naroon na kayo." "Masusunod bossing basta yong pera ha?" "Sigurado yon." "Salamat bosing, huwag kayong mag alala at makakarating ng maayos si Miss. Ganda sa bahay mo." Bandang 2PM ay nagulat si Sunshine ng sumulpot sa harapan niya ang tatlong lalaki. Agad na kinabahan at kinapa ang kutsilyo niya sa tagiliran. "Anong kailangan ninyo?" "Relax Miss. Ganda napag utusan lang, kami na ang nagdadala ng mga gamit mo. "Stop! Huwag kayong lalapit!" Binunot niya ang kutsilyo at agad na binuksan iyon. "Naku Miss. Ganda wala kaming masamang balak sayo. Ang bilin sa amin ni bossing ay ihatid ka sa Forbes at sayo nakasalalay ang kinabukasan naming tatlo." "Anong sinasabi ninyo?" "Ang lalaking naka kotse na kulay itim na Bentley ang nag utos sa amin, ‘yung may kasamang batang lalaki." "Totoo ba yang sinasabi ninyo?" "Oo totoo, saka hindi ka naman namin hahawakan. Kami lang ang magdadala ng mga gamit mo dahil yon ang bilin ni bossing." "O-okay." Isang bag lang naman at dalawang box ang dala niya. Nag tig iisang buhat ang tatlo at kagaya ng sabi ng mga ito hindi naman siya nilalapitan o kahit pagtangkaan man lang nahawakan. "Bakit taxi ang sasakyan natin?" "Iyon nga ang bilin ni bosing, bilisan muna dapat eksaktong alas kwatro naroon tayo sa gate. Kung di ay malilintikan kami doon at baka maging bato pa ang pera namin." "Okay." >>>

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
169.0K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
612.4K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
173.8K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
64.6K
bc

The Young Master's Maid

read
752.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook