Chapter 2

1435 Words
"Nandoon ang kwarto mo, Anica. Mag-ayos ka ng mga gamit at bukas ay mamimili na tayo ng mga gamit mo sa pag-aaral," utos ni ate sa akin. "Pagkatapos mo mag-ayos, magpahinga ka na," dagdag pa ni ate. Halos anim na oras din ang naging byahe naming tatlo bago kami makarating dito sa Manila. Ibang-iba nga talaga dito sa Manila kaysa sa Probinsya. Maraming mga sasakyan at mga naglalakihang mga gusali. Ang alam ko, ang bahay na ito ay binabayaran nila Ate at Kiya Xandro. Para bang inuupaan nila, pero kapag nakabayad na sila ng pitong taon, magiging sakanila na ito. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon, basta ganoon ang sinabi ni Ate sa akin. Medyo may kalakihan lang ang bayad nila kada buwan, pero kaya naman nila dahil may kanya-kanya silang trabaho, si Ate bilang isang guro at si Kiya Xandro naman ay isang pulis. Nang matapos akong makapag-ayos ng aking mga gamit, humiga ako sa kama para magpahinga. Pagpikit ko ng aking mga mata, bigla kong naalala ang mukha ni Kuya Xandro na nakangiti. Iniling ko ang aking ulo at pinilit na iwaksi sa isipan ko si Kuya Xandro. Hindi pwede na magkaroon siya ng kung anoman sa isipan ko! Nagising ako nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. Wala kasi vanyo dito sa kwarto ko, at hindi ko pa alam kung nasaan ang banyo dito sa bahay. Binuksan ko ang ilaw at inikot ang aking paningin para hanapin ang banyo. Naglakad-lakad ako at napasok ako dito sa hapagkainan. Napansin ko naman ang isa pang pinto at malakas ang hinala ko na iyon ang banyo. Pagbukas ko ng pinto, tama ang hinala ko. Pumasok ako sa loob para magbawas ng likido sa aking katawan. Nang matapos ay lumabas ako ng banyo. Paglabas ko, nagulat na lang ako nang makita ko si Kuya Xandro na umiinom ng tubig habang nakaharap sa fridge. Lumingon siya sa akin. Napalaki ako ng aking mga mata maalala ko na naka-short at naka-white t-shirt lang ako. Mabilis akong naglakad pabalik ng aking kwarto. Humugot ako ng malalalim na hininga bago ako bumalik sa aking kama. Napalunok ako. Naka boxer short lang si Kuya Xandro kanina! Kitang-kita ko ang mga balahibo sa kanyang legs at ang halos perpekto nitong katawan!! Ipinikit ko ang aking mga mata Napahawak ako sa aking divdib na kanina pa mabilis ang t***k nito. Naramdaman ko rin ang biglaang pag-init ng aking katawan!! Ngayong araw ko pa lang siya nakikita pero ganito na ang epekto niya sa akin!? Abo ba ang nangyayari sa akin? Bakit ganito? Hindi ko naman nararamdaman ang mga ganito noon. Marami naman akong mga kakilalang lalaki na gwapo, marami na ring nanligaw sa akin noon, pero hindi ko naramdaman ang ganito sa kanila!! Bakit kay Kuya Xandro pa? Bakit sa asawa pa ng ate ko? Bakit sa bayaw ko pa!!? Napahawak ako sa aking ulo. Hindi ko dapat iniisip abg mga ganito. Kailabgan kong iwaksi sa isipan ko kung ano itong nararamdaman ko kay Kuya Xandro! Kinabukasan, maaga kaming lumabas ni ate para mamili ng mga gamit ko sa pasukan. Kumain na rin kaminsa isang fast food kaninang tanghali at pagkatapos ay umuwi na. Si Kuya Xandro jaman ay maagang umalis daw ng bahay dahil may duty siya, kaya ngayon, dalawa lang kami ni ate ang nandito sa bahay. "Lunes bukas, at magsisimula na ang Brigada Eskwela," pagbibigay impormasyon ni ate sa akin. "Sama na lang ako sa iyo bukas ate. Wala din naman ako gagawin dito, eh." "Nakakalimutan mo na ba, Anica? Pupunta kayo ng Kuya Xandro mo sa Unibersidad bukas para mag-inquire," sabi sa akin ni ate. "Bakit si Kuya Xandro ang kasama ko?" nagtataka kong tanong. "Day off ng kuya mo ng Lunes at Miyerkules, kaya siya lang ang pwedeng sumama sa iyo," sagot ni ate. "Kaya ko naman ang sarili ko, Ate. Hindi na kailangan na abalain si Kuya Xandro." pagdadahilan ko. "Alam ko naman iyan, Anica, pero bago ka lang dito sa Manila. Mas mapapanatag ako kung sasamahan ka ng Kuya Xandro mo." "Pero..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Ate. "Huwag ka nang magpumilit, Anica. Kapag alam mo na ang mga lugar dito, at nasanay ka na, saka lang kita papayagan na mag-isa." Napabuntong hininga na lang ako. May punto naman si Ate, pero kasama ko si Kuya Xandro!! Kinagabihan, sakto ang pag-uwi ninKuya Xandro galing sa Duty. Mas gumawapo siya dahil sa kanyang uniform! Mabilis niyang hinalikan si Ate sa kanyang labi kaya napaiwas ako ng tingin. Nagkamustahan sila at pagkatapos ay umalis si Kuya para magpalit ng damit. "Gaya ng napag-usapan, sasamahan mo si Anica bukas, Mahal," pagpapaalala ni ate. "Ako na bahala sa kanya bukas, Mahal," sagot ni Kuya Xandro. Tahimik lang akong kumakain. Ayaw kong tignan si Kuya Xandro at baka kung ano pa ang mangyari sa akin. Mabilis akong kumain para makaalis na sa kanilang harapan at nagtungo sa sala para manood. Nang makita ko si Kuya Xandro na lumabas ng kainan, tumayo ako para magligpit sa aming pinagkainan. "Ako na ang maghuhugas, ate," pagprisinta ko. "Mabuti naman, kasi may gagawin pa ako para vukas. Kailangan kong ihanda ang mga attendance sa mga lalahok ng Brigada Eskwela," sabi ni ate sa akin. Matapos akong maghugas, dumeretso na ako sa aking kwarto. Maaga pa kami ni Kuya Xandro bukas para pumunta sa Unibersidad. Kinabukasn, maaga akong nagising at naghanda papunta sa Unibersidad. Hinintay ko si Ate at Kiya Xandro para sabay-sabay kaming lumabas ng bahay. Nang lumabas sila ng kanilang kwarto, tumayo na rin ako at sinalubong sila. Inihatid namin muna si Ate sa paaralan kung saan siya nagtuturo at pagkatapos ay nagpunta na kami sa Universidad kung saan ako mag-aaral. "Galingan mo mamaya sa exam mo, Anica," sabi ni Kiya Xandro sa akin na sinagot ko na lang ng pagtango. "Kung makakapasa ka, makakapasok ka doon sa pasukan. Ang sabi sa akin ng ate mo, With High Honors ka kaya sigurado akong kayang-kaya mo ang exam," dagdag pa niya. napayuko na lang ako habang nagsasalita si Kuya Xandro. Minsan ay napatingin ako sa salamin, at nakita ko siyang tutok sa daan habang nakangiti. Bakit ang gwapo ang lalaking ito! Bakit para siyang anghel sa paningin ko!! Nang makarating kami ng Universidad, diretso kami ni Kuya Xandro sa regitrar para magtanong kung saan pwedeng pumunta ang mga late enrollees. Nang malaman namin kung saan, muli kaminh naglakad papunta doon. "Relax ka lang,. Madali lang naman ang mga tanong sa exam." Hindi ako sumagot sa sinabi ni Kuya Xandro. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa may kinausap siya na isang matandang babae. Ilang saglit pa ay tinawag ako ni Kiya Xandro. Lumapit ako sa kanya. "Siya ang magpapa-exam sa'yo, Anica. Galingan mo, ha!" Tumango na lang ako bago ako sumama sa matandang babae. Pinaupo ako ng babae at pagkatapos ay nagbigay ng test paper at answer sheet. Mahigit isang oras din akong nag-exam. May mga madali at may mahirap din, pero sigurado ako na makakapasa ako. "Hintayin niyo na lang ang resulta, at kapag nakapasa ka, makaka-enroll ka na rin, Ija," sabi ng babae sa akin matapos akong mag-exam. Nilapitan ko si Kuya Xandro na nakaupo malapit sa Testing room. "Kumusta ang exam? Madali ba?" tanong sa akin ni Kuya Xandro. "Okay lang naman po," sagot ko. "Sigaradong makakapasa ka. Anong sabi ng babae kanina?" "Hintayin ko na lang po raw ang resulta at kapag nakapasa ako ay makaka-enroll din ako ngayon," sagot ko. "Ganoon ba? Umupo ka na muna habang naghihintay tayo," pag-alok niya sa akin. Umupo ako pero may tatlong upuan ang pagitan namin ni Kuya Xandro. "Nahihiya ka ba sa akin, Anica?" bigla niyang tanong sa akin kaya napatingin ako sa kanya "Huwag ka nang mahiya sa akin. Asawa ako ng ate mo, at kargo ka na namin. Parang kapatid na rin ang turing ko sa iyo," sabi niya sa akin na kinalunok ko dahil sa pagngiti niya. "Kung may mga kailangan ka, sabihan mo lang kami ng ate mo. Alam naman namin na disiplinado at matalino ka kaya hindi kami magdadalawang-isip na tulungan ka sa anumang gagawin at desisyon mo," dagdag pa niya. Napayuko ako, "Salamat po, Kuya," pasasalamat ko. Halos kalahating oras din ang hinintay namin bago lumabas ang resulta. Swerte naman at nakapasa ako at tama lang ang rating ko para maka-enroll ako ng Secondary Education. Nag-enroll na rin ako, at pagkatapos ay umuwi na kami ni Kuya Xandro. "Huwag mong kakalimutan, Anica. Kung may kailangan ka, magsabi ka lang, Ha," sabi ni Kuya Xandro sa akin na sinagot ko lang ng pagtango.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD