Napabuntong hininga na lang ako habang nakaupo dito sa sala ng aming munting tahanan. Kakalibing lang ng aking lola na siyang nagpalaki sa akin, nag-alaga at nagbigay ng lahat ng aking pangangailangan. Ngayong wala na siya, wala na akong makakasama dito sa bahay na ito.
"Magpahinga ka na, Anica. Wala na namang mga bisita, at kami na lang bahala sa paghuhugas sa mga nagamit sa pananghalian."
Napaangat ako ng aking ulo at nakita ko si Ate Alicia. Siya na lang ang natitira sa akin, ang aking ate.
Ngumiti ako sa kanya, "Tutulong ako, ate. Pare-pareho tayong pagod," Pagbuluntaryo ko. Tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad papunta sa likod ng aming bahay kung nasaan ang mga hugasin. Sumunod naman si Ate Alicia sa akin.
"Gaya nga ng pinag-usapan natin, Anica, sasama ka na sa akin," pagsisimula ni Ate habang naghuhugas kami ng mga plato.
Apat kaming naghuhugas, ang dalawa ay mga kapitbahay namin na tumulong sa libing ng aking lola.
"Hindi ba pwede na manatili na lang ako rito, Ate?" tanong ko sa kanya.
"Wala na si Lola, Anica. Wala ka nang kasama dito. Alam kong kaya mo na ang sarili mo, pero mas mapapanatag ako kung magsasama tayong dalawa," sagot ni Ate sa akin.
Napabuntong hininga na lamang ako. Dalawang taon na ang nakakalipas nang mamatay si Mama dahil sa ovarian cancer, at ang magaling naming tatay, ayon, nakahanap ng ibang babae, at nangibang bahay.
"Bukas ay susunduin tayo ng Kuya Xandro mo, kaya mamaya, magsimula ka nang mag-impake sa mga gamit mo," ani niya sa akin na sinagot ko na lang ng pagtango.
Sa totoo lang ay hindi ko pa nakikita si Kuya Xandro. Isang taon pa lang silang kasal ni Ate, at dahil mahina ang signal dito sa amin sa probinsya, walang pagkakataon na nakita ko siya kapag tumatawag si ate sa akin para kumustahin ako.
Pagkatapos naming maghugas, dumeretso ako sa aking kwarto para mag-impake ng aking mga gamit. Si ate naman ay pinuntahan ang mga dati niyang kaibigan dito.
Katatapos ko lang ng Senior High School, at sa susunod na pasukan ay kolehiyo na ako. Gaya ng ate ko, gusto kong kumuha ng Secondary Education.
Nang matapos akong makapag-empake ng aking mga gamit, humiga ako sa aking kama para makapagpahinga.
Kinabukasan, maaga akong ginising nin ate para mag-almusal at hintayin si Kuya Xandro sa kanyang pagdating. Nang matapos kaming kumain, sinabihan ako ni ate na ilabas ang aking mga gamit para kapag dumating si Kuya Xandro, para maipasok ko ang mga ito sa sasakyan. Halos sampong oras din kasi ang byahe mula dito sa aming probinsya papunta sa Maynila, kaya mamayang tanghali, kapag nakapagpahinga na si Kuya Xandro ay aalis na rin kami kaagad, dahil may duty pa siya bilang pulis.
Alas otso ng umaga, dumating din si Kuya Xandro sakay ng kulay pulang kotse niya. Sinalubong naming dalawa ni Ate ang kanyang asawa. Nakatingin lang ako sa sasakyan na papatigil na. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng driver's seat at lumabas ang isang lalaki.
Para akong namamalikmata! Hindi ko akalain na siya ang asawa ng aking ate! Matangkad na sa tantya ko ay lagpas 5'8, maputi, mapupula ang labi, makapal ang kanyang kilay na nababagay sa kanyang mapupungay na mga mata.
Hindi ko napapansin, mabilis na niyakap ni ate ang kanyang asawa. Napalunok ako ng aking laway nang makita kong tumingin siya sa akin at ngumiti.
Para akong nadadarang dahil sa tingin at ngiti niya! Ngayon ko lang ito naramdaman, at alam ko kung ano ito. Hindi naman ako inosente para hindi ko alam ang ganitong pakiramdam.
Dahil kay Lola ako lumaki, wala sa isipan ko ang mga lalaki noon, Eskwela at bahay lang ang destinasyon ko araw-araw, at kapag sabado at linggo, tumutulong ako kay Lola sa paghahanap buhay sa pamamagitan ng pag-part-time bilang taga-silbi sa maliit na karinderya sa bayan.
"Iyan ba ang kapatid mo, Alicia?" bumalik ang aking ulirat nang marinig ko ang barito niyang boses. Nakakakilabot! Para akong nakarinig ng boses ng isang anghel!
"Oo, siya si Anica, Xandro," sagot ni ate sa akin.
"Naku, mukhang magiging dalawa ang problema ko, ah, parehong magaganda ang kasama ko sa bahay!" Pagbibiro niya.
"Huwag kang mag-alala, Xandro, disiplinado iyan si Anica. Alam niya kung ano ang gusto niya at kung ano ang tatahakin niya. Kaya kung ang sinasabi mo na problema mo ay ang mga lalaking pwedeng umaligid sa kanya, sigurado akong uuwi lang silang luhaan," sagot naman ni Ate, pero ako, hindi ko matanggal ang tingin ko kay Kuya Xandro.
Ano ba ang nangyayari sa akin?
Para akong naengkanto!
"Anica. ayusin mo muna ang kama para makapagpahinga ang kuya Xandro mo at maghahanda lang ako ng pananghalian natin," napabalik ako sa aking ulirat nang tawagin at utusan ako ni ate.
Napangiti si Kuya Xandro sa akin. Hindi ko kayang tumagal sa tingin at ngiti niya kaya mabilis akong tumalikod at pumasok ng bahay papunta sa kwarto ni ate. Napasandal ako sa pinto nang makapasok ako. Napahawak ako sa aking dibdib at naramdaman kong mabilis ang t***k ng aking puso.
Hindi pwede ito!
Hindi dapat ako makaramdam ng ganito!
Humugot ako ng malalalim na hininga para pakalmahin ang aking sarili. Ilang saglit pa, nagdesisyon akong ayusin na lang ang kama, at pagkatapos ay lalabas ng bahay. Magpapaalam na lang ako kay ate na magpapaalam ako sa aking mga kaibigan na maiiwan dito.
Habang nag-aayos ako ng kama, biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Kuya Xandro.
"Okay na 'yan, Anica," sambit niya sa akin na nakangiti.
Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa kanya.
Naglakad siya papunta sa kama at umupo at pagkatapos ay tumingin siya sa akin.
Nataranta ako. Mabilis akong lumabas ng kwarto at isinara ang pinto.
"Ate, labas na muna ako. Magpapaalam lang ako sa mga kaibigan ko!" Mabilis kong paalam kay ate na naghahhanda ng makakain ni Kuya Xandro.
"Sige. Bilisan mo lang, ah. Pagkatapos ng pananghalian ay aalis na tayo," sagot ni ate.
Nagpunta ako sa mga malalapit kong mga kaibigan para makapagpaalam. Medyo malungkot, pero sinabi ko naman na magkikita pa naman kami at dadalaw dito kung may pagkakataon.
Hindi ko namamalayan ang oras sa pakikipagkwentogan sa aking mga kaibigan. Kung hindi pa ako sinundo ni ate ay baka matatagalan pa sana ako.
"Pasensya na ate, hindi ko napansin ang oras," paghingi ko ng paumanhin.
"Okay lang 'yan, Anica. Dadalaw naman tayo dito kapag may pagkakataon, eh," sabi niya sa akin na kinatango ko.
"Mauna ka na sa bahay, bibili lang ako ng softdrinks natin," ani ni ate.
"Sabay na lang tayo, ate."
"Mauna ka na. Ihanda mo ang mesa at gisingin ang kiya Xandro mo," utos niya sa akin.
Magdadahilan pa sana ako pero pinilit ako ni ate na mauna na sa bahay.
Wala akong magawa kundi ang sundin ang sinabi ni Ate sa akin.
Inayos ko ang mesa at pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto kung nasaan si Kuya Xandro.
Kumatok ako, pero walang sumagot kaya binuksan ko na lang ang pinto.
Pagpasok ko, nakita ko si Kuya Xandro na nakahiga sa kama. Napalunok ako nang makita ko ang hubad niyang katawan.
May mga muscles siya, maputi, at may kaunting buhok sa baba ng pusod niya.
Nakakaramdam ako ng init at para bang nabuhusan ako ng isang baldeng malamig na tubig.
Ikinalma ko ang aking sarili. Sinabi ko na hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito kay Kuya Xandro. Asawa siya ng ate ko!!
"Kuya, nakahanda na ang pananghalian," nauutal kong pagtawag pero parang wala siyang narinig.
Lumapit ako sa kama at niyugyog ang kanyang balikat. Nang maramdaman ko ang init ng kanyang katawan, para akong napaso ng mainit na tubig kaya mabilis ko ring inalis ang kamay ko sa balikat niya.
"Kuya Xandro, nakahanda na po ang pananghalian," pag-uulit ko.
Unti-unti niyang ibinukas ang kanyang mga mapupyngay na mata.
Muli akong napalunok dahil sa mga mata niya na parang isang magnet na humihigop sa aking kaluluwa!
"Pasensya, medyo napagod kasi ako sa byahe kanina," napabalik ang aking ulirat nang magsalita siya.
"Nakahanda na po ang hapunan," nauutal kong sambit.
"Sige, magbibihis lang ako. Mauna ka na lang doon," sabi niya.
Mabilis akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina.
"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?"
"Ho?"
"Bakit parang natataranta ka?"
"Ah...Wala po. May daga kasi kanina, Ate," pagdadahipan ko.
"Nagising mo na ba ang Kuya Xandro mo?"
Tumango na lang ako bilang sagot.
"Sige, maupo ka na at pagkatapos nating mananghalian ay magbyahe na tayo," utos niya sa akin.
Hinintay namin ni Ate si Kuya Xandro. Nang dumating siya, umupo siya sa tabi ni ate.
Habang kumakain kami, kitang-kita ko kung gaano sila ka-perfect na dalawa. Sweet at pareho silang nakangiti habang nag-uusap.
Kaya ngayon, kung ano man itong biglaang nararamdaman ko kay Kuya Xandro, kailangan kong itapon.
Sila na lang ang pamilya ko ngayon, at kung ipagpapatuloy ko ito, wala din naman akong mapapala dahil hindi na pwede dahil si Kuya Xandro ay nakatali na kay Ate.