CHAPTER 16

1086 Words
Pinagpapawisan na si Noriko dahil sa walang imik na reaction ng Ama ni Coffee. Naisip niya magtungo sa bahay ng dalaga upang personal na humingi ng tawad sa Ama nito. Ito na rin ang pagkakataon upang masabi niya ang totoong dahilan nya. Nasabi na niya ang tungkol sa kalagayan ng Ama niya at ang pag aasikaso niya sa lahat ng negosyo nila. Humingi siya ng patawad sa lahat ng kasalanan nagawa niya.  Wala siya ideya kung ano ang iniisip nito. Lalo tuloy siya pinagpapawisan dahil sa matinding kaba.  Tumayo ito at nagtungo sa kusina. Maya-maya pa ay inilapag nito ang isang tasang kape sa maliit na mesa sa harapan niya. "Magkape ka muna" ani nito. Nagpasalamat siya, hindi siya nagkakape sa umaga pero dahil inalok sa kanya iyon para na rin siya nabunutan ng tinik. Hinigop niya ang kape. Mapait!  Hindi niya pinahalata. "Hindi ko alam ang sasabihin ko... Nang namatay ang asawa ko. Masakit, para akong naputulan ng paa. Hindi ko alam kung paano pa ako babangon. Hanggang sa namatay din ang panganay kong anak. Mas masakit. Halos mahati ang puso ko dahil sa sakit. Walang mas sasakit para sa isang magulang ang mamatayan ng anak. Kaya nangako ako na aalagaan ko sina Coffee at Cream Ann. Sila ang naging lakas ko sa buhay. Kaya naman, nang makita kong nasasaktan ang anak ko at nahihirapan...doble ang sakit nun para sa akin. Madali magpatawad iho, napakadali. Pero ang magtiwala, sadyang napakahirap ibigay. seryosong wika ng ama ni Coffee. Nakamasid lang siya rito, ramdam niya ang pighati nito. Ganun din ang nadama niya ng mawala ang tunay na Ina niya. Naiintindihan niya ang nais nito ipabatid sa kanya. Tiwala. Kailangan niya makuha ang tiwala nito at tiwala ni Coffee. "I know---sorry is not enough but I'll do anything to earn your trust, Sir" "Hindi na kailangan. Si Coffee, sa kanya mo sabihin yan. Dahil ang pagtitiwala ko, nakasalalay sa kung ano maging desisyon ng anak ko. Isa lang ang gusto ko, maging masaya lang ang anak ko, masaya na rin ako" Ngumiti siya. Hindi sasayangin ang ganito pagkakataon. At gagawin niya ang lahat makuha lang uli ang tiwala ng dalaga. Alam niyang una pa lang, hindi lang espesyal na babae sa kanya si Coffee. Hindi lang niya maamin, ngunit sinakop na nito ang puso niya sa maikling panahon lang. Masyadong mabilis, ito ang taong nakilala niya at minahal niya nang hindi sinasadya. At papatunayan niya iyon sa dalaga.  Marami pa sila nagpag-usapan, hanggang sa inalok siya nito dun na mag-almusal. Ala-singko pa lang kasi ng umaga nagtungo na siya roon. Nabaling ang atensyon niya sa isang maliit na bulto nakatayo sa hamba ng hagdanan. Sugar! My baby! Pupungas-pungas ito lumapit sa dining table. "Lolo, where's my milk?"  Isang ngiti ang nabuo sa mukha niya ng marinig ang boses ni Sugar. So cute! "Mag-toothbrush ka muna baby Sugar." wika ng ama ni Coffee. Siguro noon lang nito napansin ang presensiya niya dahil napasulyap ito sa gawi niya. "Hey, what's your name?" patakbo ito lumapit sa kanya. May kislap sa mga nito habang nakangiting nakatingin sa kanya. Nilukob ng matinding kasiyahan ang puso niya. Nakita na rin niya ang anak. Para ito little version ni Coffee, may namuong luha sa mga mata niya. Gusto niya yakapin ang anak ngunit kinalma muna niya ang sarili. "Hey--baby Sugar. My name is Noriko." abot tenga ang ngiti niya ng tumabi ito sa kanya at nakatitig lang sa mukha niya. "Do you realized, how handsome you are?"  Ngumisi siya dahil hindi niya inasahan na iyon ang itatanong nito. "You think so?" "Yes. You don't know? Why? You're a like a TV star. I like you" naka-ngiti nito sabi. Parang dinuduyan ang puso niya dahil sa sinabi ni Sugar. " just because, I'm handsome?" sasagot pa sana ito nang tinawag na ito ng ama ni Coffee para sa gatas nito. Lumapit naman ito at kinuha ang gatas. Sinusundan lang niya ang bawat galaw ni Sugar.  "W-what the hell? Anong ginagawa mo rito?--- paasik na wika ni Coffee. Ngunit hindi siya napukaw dahil sa pag sigaw nito, pinukaw nito ang atensyon niya dahil nakasuot ito ng isang oversized t-shirt na hanggang tuhod nito. Dress ba yun? o t-shirt?  at nakabuhaghag ang mahaba nito buhok, na mas lalong nagpadagdag  sa iba pang bagay na pinupukaw nito sa kaibuturan niya. "---Papa naman! bakit niyo siya pinapasok? --You! Get out! You're not welcome here!" dugtong pa ni Coffee sabay duro sa kanya. "Coffee--please. gusto ko lang humingi ng patawad ng personal sa Ama mo--" "Para ano?! Para ano pa!? You'know what, I don't want to hear anymore lies coming from you. I had enough Noriko. Now, please. Get out." Salubong ang mga kilay nito nakatingin sa kanya at itunuro ang pinto. Bumuntong-hininga siya. Mahaba-haba pa ang gagawin niya panunuyo sa dalaga. Sapat na sa kanya, nakausap niya ang ama nito at nakita ng personal si Sugar. Lumingon siya sa ama ni Coffee. "Aalis na ho ako, salamat po." sumunod na sinulyapan niya si Sugar na nakamata lang sa kanila ni Coffee, tila inaaral kung ano ba nag nangyayare. "Bye, baby Sugar." kumaway naman ito sa kanya. "Bye po." Nalukot naman ang noo ni Coffee. Nagtatakang tumitig sa kanya. "I didn't say anything." paliwanag niya. Hindi man nito nagsalita, alam niya nangamba ito na baka sinabi niya kay Sugar kung sino siya. "I'll be back, Coffee. whether you like or not, I'll be back again. Siguro mahihirapan ako kunin muli ang tiwala mo, pero wag mo naman sana ako alisan ng karapatan maging isang ama." yun lang ang sinabi niya at lumabas na. Hindi na niya hahayaan hindi siya kilalanin bilang ama ni Sugar. Gusto niya mayakap ang anak, mahagkan ito at makasama. Babawi siya sa mga panahong wala siya sa tabi ni Sugar. Sisikapin niya maging mabuting ama. Nakasakay na siya ng motor niya nang makatanggap siya ng isang tawag mula kay Twix. "Be careful dude. LA EME is waving. They're here." "f**k! bakit sila pupunta dito, wala naman si Sacha rito?" naguguluhan tanong niya. Habol lang ng LA EME ay mapatay si Sacha at Zeki.  "Dude--Sacha is here. I don't why and how but she's here now." Hindi niya gusto manakal, pero masasakal talaga niya si Sacha. Masisira lahat ng plano niya panunuyo kay Coffee kung may ganito problema darating. s**t ! That b***h is really getting to my nerves! Sumulyap muna siya sa bahay nila Coffee. Huminga siya ng malalim. No. Hindi na siya aalis. Kung aalis man siya, sisiguruhin niya kasama niya ang mag-ina niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD