CHAPTER 18

1146 Words
ALAS-DIYES na nang gabi habang pinapatulog niya si Sugar sa kwarto nila. Nakarinig siya ng malakas na ingay tila may nabasag. Mabilis siya bumaba, nanlaki ang mata niya dahil basag ang bintana ng bahay nila.  "Papa!?" tawag niya sa papa niya.  "Coffee--tumawag ka nang pulis!" utos ng papa niya habang nakatayo ito sa kusina. Paakyat na siya uli upang kunin ang cellphone nang biglang bumukas ang pinto nila. Nasira ang pinto nila at pumasok ang tatlong mga armadong lalaki na nakasuot itim na face mask at bonet na itim. Nahindik siya. Patakbo lumapit sa kanya ang Papa niya. " Sino kayo?! Anong kailangan nyo sa amin?" tanong ng papa niya, halata sa boses nito ang takot. Yumakap siya rito. Malakas na hinaklit ng mga ito ang Papa niya at pinaluhod. Tinutukan ng baril sa ulo ang papa niya. NO! Tumili siya. "Shut the f**k up! I'll kill him if you don't shut your f*****g mouth!" angil ng isang lalaki sa kanya. Nanginig ang buong katawan niya sa takot. Naiiyak na siya.  "Please have mercy. Don't kill us..please---" umiiyak na siya. Napatigil siya nang umakyat ang isa pang lalaki sa taas. Sinalakay ng takot ang puso niya nang maalala niya ang natutulog na anak. "Please, parang awa niyo na. Wag ang anak ko. Please--" pagmamakaawa niya sa pagitan ng mga luha niya. Mas lalo pa siya naiyak nang walang awa sinipa ng mga ito ang papa niya. Napahiga ang papa niya. Sipa at suntok ang ginawa ng mga ito. Duguan na ang papa niya. Tumigil ata ang pagtibok ng puso niya nang makita buhat-buhat na ng lalaki kanina umakyat si Sugar. Tulog pa rin ang anak niya. "No--No--wag ang anak ko. Please, maawa kayo. Kunin nyu na lahat ng kukunin nyu--please maawa kayo sa'amin." Tila hindi siya naririnig o naiintindihan ng mga lalaki, di niya masabi kung ano ang pakay ng mga ito. Kung magnanakaw ba ang mga ito? Wala namang kinukuhang gamit ang mga lalaki, kaya labis-labis ang pagtataka niya. Oh God! Bakit kami pinasok ng mga masasamang loob? "San nyo dadalhin ang anak ko?!"  mabilis siya nakalapit sa lalaking buhat si Sugar nang makita  niya lalabas na ito. Ngunit, hinaklit na ng isang lalaki ang buhok niya. Napa'aray siya sa sakit ng pagsabunot nito sa buhok niya.  "Take that kid." utos ng lalaki. Nanlaki mga mata nya, mabilis niya hinawakan ang lalaki sa braso upang pigilan ito sa paglabas ng suntukin siya ng malakas sa sikmura. Natumba siya habang namimilipit sa sakit sapo ang sikmura.  "C-Cof-Coffee---" ungol ng Papa niya. Nakita niyang lumapit uli ang lalaki sa Papa niya at walang awa binaril ito sa tiyan.  "Papa!!!! No!!!" namamaos na hiyaw niya.  Lumabas na ang dalawang lalaki. "Let's go."  narinig pa niya wika ng isang lalaki. Pagapang siya lumapit sa papa niya. Walang tigil ang pagdaloy ng luha niya. Nang makalapit siya, kinapa niya agad ang pulsuhan nito. Isang bahagi ng isip niya ang nagpapasalamat dahil malakas pa ang pulso nito.  Isang malakas uli na putok ang narinig niya, napaigik siya sa sakit. Binaril siya ng lalaki sa likod. Napa-pikit siya. Ramdam niya ang kirot sa likod niya. Narinig na lang niya ang tunog ng papalayong sasakyan. Si Sugar. No, my baby. Namamanhid na ang mata niya, unti-unti na siya nanghihina dahil na rin sa dugong walang tigil sa pag-agos. Hanggang sa tuluyan na siya kinaen ng dilim. ------------------------------------------------------ NANG magising siya nasa isang hospital na siya. Napadaing siya dahil sa pagkirot ng likod niya. Nakatagilid siya? Napapikit siya upang kalmahin ang sakit.  "Careful. Bawal ka pa gumalaw."  Napakislot siya dahil sa gulat. "N-Noriko?"  tanong niya. Hindi kasi siya makalingon dahil nga nakatagilid siya. Alam niya si Noriko iyon. Pumuwesto naman ang binata sa side kung saan kitang kita na niya ito. "Si Papa? Asan ang Papa ko?" nanginginig na tanong niya, natatakot siya. "N-Noriko, kinuha nila si Sugar--" hindi na niya napigilan mapahagulgol, ang isipin pa lang na baka may nangyare masama sa anak niya ay napakasakit na. "--mamamatay ako, pag may nangyare masama sa anak ko, hindi ko kakayanin--"  Niyakap siya ng binata. Dama niya ang init ng hatid ng katawan nito, dahilan na bahagya siya kumalma. "Sshh--stop crying. Nasa ICU ang papa mo, stable na ang kondisyon niya. Na-report na rin ito sa mga pulis, gagawin ko ang lahat mabawi lang si Sugar. hmmm---magpagaling ka" Naramdaman niya ang paghalik ni Noriko sa buhok niya. Hindi man niya maamin malaking bagay ang presensiya nito para gumaan ng konti ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya binigyan siya nito ng lakas.  Humiwalay ito ng yakap sa kanya, at dinampian siya ng magaan na halik sa labi.  "Gagawin ko ang lahat mabawi lang ang anak natin. Ilalaban ko nang p*****n si Sugar, hindi ako papayag na masaktan ka uli. Hinding-hindi na"  seryosong nakatitig ito sa kanya. Na-aaninag niya sa mga mata nito ang galit at deteminasyon.  Napaluha siya. Galit siya sa binata dahil pinabayaan sila nito, pero heto uli ang binata kumakatok sa buhay nila. Gusto niya turuan muli ang puso niya magtiwala subalit pinipigilan siya ng isip niya. Huminga siya ng malalim. "Kidnapper ba ang mga taong iyon? Nanghihingi ba sila ng pera? Pero bakit si Sugar?"  nanlulumo siya na naiiyak.  "Hindi pa sigurado. Kung kidnapping nga iyon' tatawag sila. Ibibigay ko kahit magkano ang hilingin nila maibalik lang si Sugar nang ligtas"  matigas nito wika. Tumango na lamang siya. Hinagkan uli siya ni Noriko sa labi, magaan lang iyon saka siya hinagkan sa noo. May kung anong pananabik ang umahon sa dibdib niya. Matagal na ng huli siya makaramdam nang ganun. At tanging si Noriko lang ang nakakapagbigay sa kanya ng ganun pakiramdam.  "I love you, Coffee. I love you..."  bulong nito. Nanlalaki ang mata niya nakatuon sa binata. Tama ba ang rinig niya? Mahal siya nito? "Mahal mo ko?" takang-taka wika niya. Gusto niya lang makasiguro. He smiled sheepishly. Hinawakan nito ang mukha niya. "Yes, I fell in love the way you fall asleep like a sleeping beauty--I fell in love with you, Coffee Shane." "No!" Tumiim ang mukha ni Noriko. " Why? Why No? Coffee, I swear babawi ako sainyo ni Sugar. Lahat ng pagkukulang ko, pupunan ko lahat." Her heart went overdrive. Inuulit-ulit niya sa isipan ang lahat ng sinabi nito. Seryosong tumitig siya kay Noriko. "Ayoko muna mag-isip nang kung ano. Si Sugar ang importante ngayon--siya muna ang isipin natin" yun lang ang nasabi niya. Mukhang naunawaan naman siya nito, marahang pinisil nito ang kamay niya. Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto ng silid at sumilip ang isang lalaki kulay blue ang buhok? Tumingin ito kay Noriko.  "Sorry sa istorbo dude. May gusto kumausap sayo. Si Zeki." Tumaas ang kilay ni Noriko at tumango sa lalaking blue ang buhok. "Pahinga ka na. Nasa labas lang ako--makikibalita na rin ako sa mga pulis." Nang makalabas na ito, saka siya nagpakawala ng malalim na paghinga.  Please save my Sugar. Oh my baby. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD