KANINA PA napapansin ni Coffee ang isang itim na Ducati Scramble na sumusunod sa kanya mula pa sa pinuntahang seminar sa isang goverment hospital. Nakakaramdam na siya ng pangamba dahil 'yun din ang Ducati na nakita niya noon isang araw sa labas ng school ni Sugar. Siya ba ang pakay nito? Kinalma niya ang sarili habang nagmamaneho. Ayaw niya mag-isip ng mga negatibong bagay ngunit hindi niya talaga maiwasan kabahan. Think straight, Coffee.
Binilisan niya ang pagmaneho, dumaan pa siya sa mga short-cuts na alam niya upang iligaw ang sumusunod sa kanya.
Nang makarating na siya sa kanyang Clinic, mabilis niya pinarada ang sasakyan at nang akma siya lalabas ng kotse biglang sumulpot ang itim na Ducati at pumarada rin sa tabi ng kotse niya.
Napahinto siya kaagad niya ni-lock ang sasakyan. Habang nakamasid sa taong sakay ng motor. Kagaya ng dati, naka black over all gear ito. Nakasuot pa rin ito ng black helmet.
Tumatambol na sa kaba ang dibdib niya. May balak ba ito masama sa kanya? Hold-up ba ang gagawin nito? Car-nap? Pero bakit siya? Stalker ba niya ito? Kung ano-anu na ang pumapasok sa isip niya. Baka may dala ito baril at bigla na lamang siya baralin sa loob ng sasakyan.
Mabilis niya kinuha ang cellphone niya. Pero bago pa siya makapag-dial. Nakita niya hinubad na nito ang suot na helmet....parang nag slow-motion pa ng ilan segundo. No way! Nanlalaki ang mga mata ng makilala ang sakay ng motor. Noriko!?
Daig pa niya binuhusan ng malamig na tubig dahil nanlalamig siya ng mga oras na iyon. Paano?Bakit andito siya?Bakit ito bumalik?
Napatakip siya ng bibig nang may maalala. Oh my god! Naroon ito sa labas ng school ni Sugar ng una niya makita ito. Alam nito ang tungkol kay Sugar?? Pero paano? Kanino niya nalaman?
Napapiksi siya ng kumatok ito sa bintana ng kotse niya.
Tuluyan nang nawala ang takot at pangamba naramdam niya kanina. Napalitan na iyon ng inis at galit. Anim na taong hindi ito nagpakita tapos bigla na lamang ito susulpot.
"Coffee, please. Open up. I need to talk to you, please--Please talk to me."
Naririnig niya wika ng binata.
Huminga siya ng malalim bago naglakas loob na buksan ang pinto ng kotse at lumabas upang harapin ito. Kung balak nito kunin sa kanya si Sugar, well lalaban siya hanggang korte kung kina-kailangan. Hindi siya papayag na kunin nito ang anak niya.
Akma hahawakan siya nito ng bahagya siya umatras. "Don't touch me. Wala na tayo dapat pag-usapan pa"
mariin niya sambit. Ayaw niya tumingin sa binata. Hindi pa niya kaya tignan ito.
"But--let me explain please? I can explain everything. Please? Give me a chance to explain my side. I know, how jerk I am for leaving you behind..and I'm sorry. I'm so sorry."
Manhid na siguro siya. Wala siya madama. Hindi pa niya kaya makinig sa kung ano man ang paliwanag nito o patawarin ito. Umiling siya.
"No. Hindi kita bibigyan ng chance magpaliwanag. Wala kang karapatan bigyan ng kahit anong chance! Wala! Now--get lost! I don't want to see your face anymore!"
Paasik na wika niya at pinukol ito ng matalim na tingin. Bakas sa mga mata ni Noriko ang sakit habang nakatitig sa kanya.
Iniwan na niya ito at nagmadali pumasok sa loob ng clinic niya.
Kung ano man ang nararamdaman nito, walang-wala pa iyon sa kalingkingan ng sakit at paghihirap na dinanas niya.
Mabigat ang loob na napaupo siya sa swivel chair. Nasa loob na siya ng office niya. Mabuti na lang at wala masyado consultation patient.
"Doc, ayos lang po ba kayo?" napaangat siya ng tingin kay Nini. Nakayuko kasi siya. Tumango lamang siya.
Napupuyos ng galit ang kalooban niya. Gusto niya maiyak sa sobrang galit. Okay na siya eh. Sobrang maayos na siya. Tanggap na niya hindi na babalik ito. Pero sa isang iglap lang!? eto na naman yung sakit. Bakit ba ganoon pa rin ang epekto ni Noriko sa kanya?
Apektado siya sa muli pagkikita nila. Nahihibang na siya. Bumalik sa isip niya ang itsura ng binata, he looked haggard pansin niya kasi nangingitim ang ilalim ng mga mata nito tila ilang araw na walang maayos na tulog. His eyes---there's pain. hurt. fear and hopelessness. She sighed.
Pagdating naman sa pisikal. Wala masyadong pinagbago ang binata, still hunky, handsome and breathtakingly hot as ever.
OMG? Did I praised him? God, Coffee wake up. Don't be so dumb!
Pinilig niya ang ulo. Tama na nagpaka-gaga siya ng isang beses. Hindi na niya hahayaan makapasok uli sa buhay niya si Noriko. Hindi na. Matagal nang tapos ang kahibangan niya para rito. Wala na ito lugar sa buhay niya---mas lalo hindi niya hahayaan makalapit ito sa anak niya. Nasaktan na siya ng todo at ayaw niya masaktan ang anak niya. Alam naman niya aalis din ito. At sigurado siya doon. Malamang nalaman lang nito ang tungkol kay Sugar, kinakaen siguro ito ng konsensya nito. Serves him right!
Napukaw ang atensyon niya ng may nilagay na isang bouquet ng puting rosas sa mesa niya. Kunot noo tumingin siya kay Nini. "Ano 'yan?"
"Doc, bulaklak po" parang kinikilig ito na sumagot sa kanya.
"I mean--para sa akin? kanino galing?" wala siya ideya sabi niya.
Napakamot naman si Nini sa buhok nito. "Doc, pinapaabot ng gwapong lalaki sa labas. Para sainyo raw po. May notes po" sabay turo nito sa maliit na papel na nakadikit.
Gwapong lalaki sa labas?
May ideya na siya kung sino, pero binasa pa rin niya ang nakalagay na notes.
I never meant to hurt you, I know its no excuse for what I've put you through.
I'm sorry. I'll never leave you again. - Noriko
That was all? She glared at the flower and stood up. Kung inaakala nito madadala siya sa bulaklak, pwes maling- mali ito. Kinuha niya ang bulaklak at malakas na hinagis sa basurahan na nasa gilid ng pinto. Argh!
Sabay napapunas sa mata niya. Now here she goes again. Crying. Damn you, Noriko! sigaw niya sa utak niya.
Mabilis niya kinuha ang cellphone sa bag at naisip niya tawagan ang kaibigan niya na si Taner. Kailangan niya ng makakusap.
Paulit-ulit niya ang pag-dial sa numero ni Taner ngunit out of reach ang hinayupak.
Tumawag din siya sa telepono nito sa bahay nito. Maid ang nakasagot.
"Nag out of the country po si Sir Taner , maam Coffee"
Labis siya nagtaka dahil hindi naman ito basta-basta nag-a-out of the country nang walang pasabi?
"Sige ho. Salamat."
Ang gulo na nga ng utak niya, dumagdag pa ang kaibigan. Kung kelan kailangan niya ito. Darn!