"Tang*na mo, Stuart!" Bigla nalang dumating si Ken at sinuntok si Stuart. Napasigaw ako bigla at agad akong tumayo para awatin si Ken na galit na galit. Niyakap ko si Ken sa likuran habang hinihila si Ken palayo kay Stuart. Dinuro-duro nya pa ang kawawang lalaki na napahiga sa sofa. "Nawala lang ako saglit sinusulot mo na agad asawa ko? Ang kapal ng apog mo at sa bahay ko pa talaga?" Napatawa ng bahagya si Stuart habang pinapahiran ang gilid ng labi nito na dumugo. Tiningnan nya ng matalim si Ken habang umupo ng maayos sa sofa. "Wow! At sinulot pa talaga ang term mo, pre? Hindi ba't ikaw ang sulutero? Girlfriend ko si Blair at nagkaproblema lang ako ng konti binuntis mo na? Nirape mo kaibigan mo, pre. Hindi sya kusang sumama sa'yo! Pinilit mo lang sya and you give her no choice but to