Agad kong tinapos ang pagliligo. Baka mamaya natubuan na ng ugat si Myrna sa labas ng kwarto sa kakahintay. Akmang magbibihis na ako ng mapansin kong di ko pala nadala ang susuotin ko. Agad ko lang palang kinuha ang tuwalya pero hindi ang pamalit. Napagpasyahan kong itakip na lang ang tuwalya sa hubad kong katawan at lumabas nalang para kumuha ng maisusuot. Bahala na. Wala naman akong choice kundi lumabas kaysa sa utusan ko pa si Ken na ikuha ako ng masusuot nakakahiya yun. I'm silently wishing na sana nakatulog si Ken. But to my despair, ayon nakadapa pa sa kama na nakatukod pa ang mga kamay sa pisngi. Halatang naghihintay nga sa paglabas ko. I felt awkward and shy. Feeling ko namumula na ang mga pisngi ko sa kahihiyan. Kung makatitig naman kasi si Ken akalain mong may porn sa harapa