Tama nga ang hinala ko. When my Dad arrived from work, he was overly excited upon hearing the news that my babies were all boys. May mga kakampi na daw siya and they've outnumbered us. Di na daw namin siya mabubully ni Mommy. Ang kulit-kulit lang, pareho sila ni Ken. No wonder magkasundong-magkasundo silang dalawa. We were seating in the living room. Tapos na kami kumain ng dinner at pinag-uusapan na nila ang motif para sa baby shower. Parang mas babae pa sina Dad at Ken sa amin ni Mommy dahil halos silang dalawa na ang nagpaplano. Mula sa motif hanggang sa give aways. Halatang excited na excited silang dalawa. Di na nga kami makasingit ni Mommy dahil parang may sarili silang mundo na sila-sila lang din ang nagkakaintindihan. Nagkatinginan kami ni Mommy. Napangiti siya sa akin. I saw