Kinabukasan napag isipan nila na pumunta sa tabing ilog sa gitna ng maliit na gubat. Ang ganda kasi napapaligiran yung ilog ng mga halaman at may mga makukulay ding bulaklak. Inisip ko tuloy na maganda sa lugar na ‘to. Payapa. Na makakapag relax ka talaga. Kung wala lang talagang sagabal tulad ni Erica edi sana masaya. "Grabe ang linis naman ng ilog na'to." Namamanghang sabi ko habang nakakapit kay Kaizer. "Mommy. Gusto ko po ligo don." Paalam sakin ng anak ko. "Opo naman. Kaso hintay mo si Daddy mo ha?" Tingin ko sakanya at tuwang tuwa siyang nag tatatalon. Ang iba samin ay nangisda sa bandang malalim at kaming mga naiwan nandito sa tabing ilog at nag aayos ng isang malaking picnic table at iba pa. "Hon, wag na kaya akong mag t-shirt." Lapit na tanong sakin ni Jericho. Kaya naman tin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books