ELIZA POV "Hindi mo ba talaga siya papansinin?" Tanong sakin ni Clyde habang nakatingin kami pareho kay Jericho na natutulog. "Papansinin ko din naman siya kaso di pa ngayon. Di pa ko handa." Sagot ko sabay tingin sakanya. "Ahm..*Huminto ako sabay hawak ng kamay niya* Bakit ganyan ka nalang mag alala sa pamilya namin?" Mahinahon kong tingin sakanya. CLYDE POV Napatingin ako sakanya habang tinatanong sa sarili ko kung bakit nga ba? Bakit nga ba ginagawa ko ito para sakanila? Mas minabuti kong tumahimik nalang at ngumiti sakanya. ELIZA POV "Good morning piglet!" Tuwang tuwang bati ni Unggoy sakin. Ano naman kaya ang trip niya ngayon? "Taddddaaaa!" Sigaw niya sabay labas ng red roses. Tinago ko yung saya sa puso ko habang kinukuha yung roses. "Piggglleett Please? Bati na tayo?" Pilit